Chapter 8

29.1K 634 24
                                    

Klien's POV

Patakbo akong bumaba ng hagdan nang hindi ko na maabutan sa loob ng kwarto si Rein.

Kahit gaano ko pa sya kagusto ay kailangan ko paring kunin ang kanyang  pagtitiwala sa akin.Kaya para mabigyan ko sya ng privacy ay hinayaan ko syang mag-isa sa loob ng kwarto.

Nang makabawi kasi ako sa pagkagulat kanina ay mabilis na akong lumabas ng silid at tinungo ang guest room para doon na ako mag-shower.

Kasi konting-konti nalang ay hindi ko na kayang pigilan pa ang aking sarili.

Hindi ko pwedeng pairalin ang nararamdamang libog sa katawan..baka imbes na mapalapit ang kalooban nya sa akin ay tuluyan pang lumayo kapag nagkamali ako ng kilos. Iyon ang kinatatakutan kong mangyari.

Nadatnan kong nakahanda na sa pagpasok sa school si Missy habang kaharap naman nito si Manang.

Since na dito na sila mananatili sa pamamahay ko ay napagsabihan ko na din ang driver na ipahatid-sundo si Missy sa school na pinapasukan nito.

"Good morning little girl!"Masigla kong bati kay Missy.

Maagap naman syang ngumiti sa akin.Bigla akong natigilan nang mapagmasdang mabuti ang maamo nyang mukha habang nakangiti.

Those smile is reminded me of my late mother.

Napailing nalang ako sa isiping iyon.Sa lahat ng tao na pwedeng sumagi sa isipan ko ay si Mama pa talaga ang naisip kong kahawig sa pagkakangiti ng bata.

"Good morning din Tito Klien..."

"Nag-breakfast kana ba before going to school?"

"Opo..kasama kong kumain si Manang."

"How about your Mom?"

Umiling lang sya bilang sagot..kaya napanatag naman ang kalooban ko sa pag-aakalang inaantay ako ni Rein para sabay kaming mag-breakfast.

"So,that means na inaantay nya ako para sabay na kaming kumain..." Assuming kong sinabi.

Your Mom is the sweetest woman i ever met!

"She left already Tito Klien!hinalikan lang nya ako sa cheek at sinabing magpakabait ako sa school tapos umalis na sya."

Napakunot ang aking noo tapos bumaling kay Manang ang atensyon ko.  Naghihintay ng paliwanag.

"Masanay na po kayo,Sir!late na kasi si Rein kanina kaya nagmamadaling umalis..tumawag din daw kasi ang boss nya kaya wala na syang oras para kumain pa ng agahan."

I clenched my teeth upon hearing those explanation.

Sa mga oras na ito ay gusto ko tuloy sugurin ang baklang boss ng Blue Company para turuan ng leksyon.

How could he do that to my girl?

Kailangan na nyang mag-quit sa job nyang iyon dahil baka maaapektuhan pa ang kanyang kalusugan.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng matinding disappointment sa kaalamang hindi ko makakasabay sa pagkain si Rein ngayong umaga.

Kaya nawalan na rin ako ng ganang kumain...ano pa ang saysay ng masasarap na pagkain na nakahanda sa dining table kung mag-isa na naman akong kakain doon tulad ng dati?

I grabbed my phone from my pocket nang makapagpaalam sa akin si Manang para ihatid na si Missy sa school.

Kailangan kong tawagan si Gio para itanong kung saan kami magkikita ngayon.

Dahil maaga pa naman ay kailangan ko nang dumiretso sa Alfemo tower at doon na magpalipas ng oras bago puntahan si Gio mamaya.

At napagdisisyonan ko na din na yayaing kumain ng lunch sa labas si Rein since na hindi ko sya nakasabay kumain this morning.

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon