Chapter 11

27.5K 657 15
                                    

Magkasabay kami ni Minna habang pasakay ng elevator.

"Oh ano girl?mukhang hindi na marunong kumurap si Mr Arellado kanina ah!tinamaan yata ng charisma mo..grabe!"

Napailing nalang ako...kahit kailan talaga itong si Minna walang tabas ang dila.

"Ihanda mo yang sarili mo Minna dahil baka hindi ako papayag sa magiging disisyon ni boss."

"Kyaaaa!hindi ako pwede girl!baka hindi ako makapag-concentrate sa pagpipinta kapag nasa tabi ko lang sya!ang guapo grabe!!" Kinikilig nyang sabad.

"Tsk!daig mo pa si boss pagdating sa guapo eh,noh?"

Saktong bumukas naman ang elevator at magkasunod kaming lumabas para tunguhin ang exit door.

"Hindi ka ba sumabay sa amin ngayon?"Tanong nya sa akin.

"Hindi na may naghihintay na higante sa akin sa labas.." Nakanguso pa ako habang iniisip si Klien na nag-aabang sa akin sa labas.

"Higante?" Nagtataka nyang tanong.

Natigilan ito sa paghakbang kaya napatigil din ako..tatanungin ko sana si Minna kung anong problema pero-

"OH MY GOD!" Bulalas nya na ikinagulat ko.

"What's wrong?"

Nakaawang pa ang bibig nito halatang gulat na gulat.May nakita kaya itong multo?

"Enemy ni boss!anong ginagawa nya dito?but infairness ang guapo!hawakan mo ako girl baka hihimatayin ako dito!"

"Sinong tinutukoy mo?"Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Yung may-ari ng Heaven Land...look,oh my gosh!as in!!! kaya pala ang daming mga babae na nagpapakamatay na sa kanyang harapan mapansin lang nya dahil ganito na pala sya ka-handsome..mas guapo pa talaga sya sa personal kaysa napapanood lang sa television."

Nagtataka akong napasunod ng tingin sa direksyon ng tinitingnan ni Minna.

Si Klien?

Si Klien kasi ang nakita ko na nakatayo habang nakasandal sa kanyang kotse.

Sya ang may-ari ng Heaven Land?

Agad na nag-flash back sa aking utak yung unang pagkikita namin ni Klien.

Napangiti ako sa naisip..kasi ganyan din ang scene noong hablutin ko mula sa kanyang kamay ang kanyang phone noon.

At makikita din sa di kalayuan na nakapark ang mga kotse ng kanyang bodyguards.

Tsk!hindi ba talaga pwedeng mawala yang mga alalay nya?

Bigla akong natigilan nang mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki na biglang lumapit sa kanya.

Nag-fist bump pa ang dalawa at kitang-kita sa kanilang mukha na parang matagal na silang magkakilala.

It can't be!

"Look,mukhang close yata si Mr Arellado kay Mr Alfemo ah!"

Napatango nalang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Minna.

Magkukubli sana ako sa likod ni Minna pero huli na ang lahat dahil napansin na kami ni Klien at sa isang iglap ay tanaw ko na ang pagtungo nya dito sa kinatatayuan namin.

"Oh my!papunta ba sya dito?"

Nahalata ko ang pagkataranta ni Minna.

"Bakit ka natatakot?" Baling ko kay Minna.

When The Coldhearted Beast Awaken Where stories live. Discover now