EPILOGUE

33K 824 68
                                    

Rein's POV

ONE YEAR LATER...

*

*

*

Nakangiti ako habang palabas ng bahay..natanaw kong masayang naghahabulan sa may garden sina Klyde,Keeve at Keen.

"Boy's be careful!!baka madapa kayo!"

Nabaling kay Klien ang aking atensyon na kampanteng nakaupo sa mahabang bench, habang nakakandong sa kanyang kaliwang hita ang bunso naming anak na tatlong buwan pa lamang sa kasalukuyan.

Our only baby girl Princess Klienny..

Marahan akong lumapit sa kinaroroonan ni Klien na hanggang ngayon ay hindi parin nya napapansin ang aking presensya sapagkat nakatingin sya kina Klyde,Keeve at Keen.

Bahagya akong dumukwang para mayakap ko sya mula sa kanyang likuran.Idinikit ko ang aking mukha sa kanyang pisngi..habang malaya na inabot ng aking kamay ang ulo ni Princess Klienny at marahang hinaplos ang kanyang buhok.

"Missing me already?"

Malambing na tanong ni giant sa akin bago ipinilig nya ng kaunti ang kanyang ulo para makintalan nya ako ng halik sa aking pisngi.

"Mmm..."

Bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang pagtusok ng bagong tubo na mga bigote ni Klien sa aking pisngi.

Oh my god!masyado na bang na'e-stressed ang aking asawa?sa sobrang pagkaabala nya sa pag-aasikaso sa amin ay nakalimutan na nyang mag-ahit man lang?

Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Klien.

Di bale na..babawi ako mamayang gabi!paliligayahin ko sya ng husto..

"Giant?"

"Yes sweetheart..."

"Are you tired?"

"Why should i?ni hindi nga ako nagreklamo habang pinagpupuyatan kong buuin itong mga anak ko...ni hindi ko man lang naramdaman na napagod na ako...sweetheart,kung gaano ako kasaya habang kaniig kita...kung gaano ako kaadik na halos paulit-ulit kitang inaangkin..araw at gabi,para malaman mo?ganoon at ganoon din ang nararamdaman ko ngayon.Wala ng kapantay ang kaligayahang nararamdaman ko habang nakikita ko ng ganito ang bunga ng pinaghirapan ko..."

Haist...Rein,nagtanong ka pa kasi...

"Mommy!Daddy!look at Princess Klienny...she's smiling at us!!!"Pahingal na saad ni Klyde..

Marahan akong bumitaw mula sa pagkakayakap ko kay Klien tapos umikot ako para pumunta sa harapan.

Naupo ako sa kabilang hita nya at ipinulupot sa kanyang leeg ang aking kaliwang braso.Masuyo kong sinilip ang mukha ni Princess Klienny..kaya napangiti na din ako kasi tama si Klyde,nakangiti nga yung youngest sister nila.

Magkasabay pang napatakbo papalapit sa amin ang tatlo bago pumunta sa likuran ng kanilang Daddy at doon sabay-sabay na napalambitin.

Ako,nakaupo sa kanang hita ni Klien..habang kanlong naman nya sa kanyang kaliwang hita si Princess Klienny.

At yung tatlo nag-aagawan pa kung sino ang unang tutuntong sa balikat ng kanilang Daddy.

Wala na para na kaming Christmas tree nito!

"Hey boys maawa naman kayo sa Daddy nyo!my poor Tito Klien hindi na makahinga!ang hindi sumunod sa akin?walang ice cream!!"

Isa-isa naman kusang nagbitiw sa pagkakapit mula sa likod ni Klien yung tatlo at mabilis na tumakbo para habulin si Missy.

When The Coldhearted Beast Awaken Where stories live. Discover now