Chapter 14

24.9K 645 14
                                    

"Wow!d-dumat-ting ang k-kaibig-gan k-kong m-maggal-ling!"

"Pare!ihahatid na kita sa condo unit mo..get up!you're drunk already!"

"Go away!h-hwag mo ak-kong haw-wakan..inag-gaw mo s-si Heartily...ibalik mo s-sa ak-kin ang b-babaeng m-mahal k-ko you m-moron!"

Napakunot-noo ako sa kanyang tinuran.So,si Heartily na naman ba ang dahilan kaya sya nagpakalasing ng ganito?

"Hwag mong hanapin sa akin yang ex-girlfriend mo pare!ni hindi mo nga sya naipakilala sa akin noon."

"HAHAHAHA!t-tanga-t-tanga mo p-pare!nas-sisig-guro mo b-bang mag-giging f-faithful sya s-sayo?hwag k-kang pak-kakas-siguro p-pare..k-kaya ngayon pa lang ay pak-kawalan m-mo na s-sya k-kaysa mapagbuh-hat-tan mo p-pa sya ng k-kamay s-sa h-huli."

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao.Nakakaubos din ng pasensya ang isang ito eh!

"ALGIO ARELLADO!HWAG MONG SAGARIN ANG PASENSYA KO!TUMAYO KANA DYAN BAGO PA KITA IPAHILA SA MGA TAUHAN KO!"

"Oh c'mon pare!"

Mukhang nawala yata ang kanyang pagkalasing..kailangan pa talagang sigawan eh,noh?bago matauhan.

Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Makinig ka Klien Staneil Alfemo!bago mo pa magawang saktan si Heartily ay ngayon pa lang pakawalan mo na sya!naranasan ko na ang mahulog ng husto sa kanya..mahirap pare,mahirap mag-move on!ibalik mo sya sa akin dahil atleast ako ay nakapag-adjust na sa paglilinlang nya sa akin noon..mahal ko sya pare!mahal na mahal!"

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.

"Bakit mo ba hinahanap sa akin yang Heartily na yan?"

"Dahil sya ang babaeng kinakasama mo ngayon!si Heartily at Emyrein Meyer ay iisa!sya ang babaeng matagal ko ng mahal!naiintindihan mo na ba?"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig.Nagdedeliryo lang si Gio,right?

"Hwag kang padadala sa kahinhinan nya!dahil ako nga noon na walang ibang ginawa kundi ang mahalin sya ay nagawa pa din nyang magpabuntis sa iba!how much more ikaw pare?i doubt it kung nalaman na nya ang tungkol sa pagkatao mo...hinding-hindi sya magtatagal sa'yo!that temper of yours?yan ang pinakaayaw nya sa lahat!"

Biglang nandilim ang aking paningin at bago ko pa napigilan ang aking sarili ay nasimulan ko ng pinadapo sa mukha ni Gio ang aking kamao.

"Mahal?mahal mo sya?ganyan ka ba magmahal?ha Gio?hindi mo sya minahal kundi nilalait mo sya!nilalait mo ang kanyang pagkatao...at hindi ko hahayaang lait-laitin mo ang babaeng bumuo ng buhay ko!"

Habang sinasabi ko ang mga katagang iyan ay hindi tinantanan ng aking kamao ang mukha ni Gio.

Nakalimutan kong lasing sya at walang lakas para lumaban.

"Master!tama na po!!"

Saka lang ako natauhan nang awatin ako ng aking mga bodyguards.

"Ihatid nyo na sa kanyang condo ang bastard na yan bago ko pa matuluyan!"

Pagkasabi ko ng ganoon ay mabilis na akong tumalikod para tunguhin ang bar counter.

Naupo ako doon at mabilis na inisang lagok ang mga nakahilera na inumin sa ibabaw ng mesa.

Pakiramdam ko ay mahihirapan akong pakalmahin ang aking sarili. Talagang hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula kay Gio ngayon.

Naalala ko ang usapan namin ni Rein while ago.She didn't mention anything about Gio.

When The Coldhearted Beast Awaken Where stories live. Discover now