Chapter 40

24.1K 549 5
                                    

Hindi ko alam kung bakit nagawa kong manahimik ngayon..ni hindi ko nga masalubong ang mga paningin ni Klien sa akin.

Nasa harapan ko pa din sya habang nagpapatuloy sa kanyang  pagsasalita.

At ako?heto...nakatitig lang sa sahig habang malaya kong pinapakinggan ang lahat ng pinagsasabi ni giant sa akin.

"I'm sorry kung nagawa kitang iwasan...you know sweetheart I'm very angry that time,at natatakot ako na kapag hinarap kita habang wala pa ako sa tamang hwisyo ay baka masaktan kita!baka makagawa ako ng mga bagay na buong buhay kong pagsisisihan..."

Natigilan naman ako sa sinabi nyang iyon..bakit naman daw sya nagagalit,aber?

"After our conversation that time when i was in the plane...hindi mo alam na halos gusto ko ng hilain ang oras para makaharap na kita,gusto ko nang maisaliwalat kaagad ang surpresa ko para sa'yo at pati sa pamilya mo,but what happen next?bigla nalang nawala ang lahat ng iyon sa pag-aakala kong nagsinungaling ka sa akin."

Oh god!ano bang ibig nyang sabihin?

"Kasasabi mo palang na sina Missy at Raisynzee ang kasama mo sa amusement park but then nakatanggap na ako ng message at the very moment na may kalakip pang larawan nyong dalawa ni Gio!he's hugging you and giving you a kiss on your forehead!look sweetheart...ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung pinagtataksilan ako,you can't blame me why I'm like this..since namatay ang Papa ko dahil sa ginawang pangtataksil ni Mama sa kanya!nagkaroon ng anak sa iba si Mama without our knowing..tapos nagulat nalang ako dahil biglang inatake sa puso si Papa...and after that nalaman ko nalang ang dahilan...all those past years pala ay mayroon akong kapatid sa labas.Dinamdam ko ang lahat ng iyon...nawala ang tiwala ko sa mga babae dahil naisip ko kagaya din sila ng Mama ko..."

Mariin akong napalunok..oh god!tama ba itong naririnig ko?yun ba ang dahilan kung bakit laging nagtatago si Milly noon?

"But then sweetheart nakilala kita!hindi ko alam kung ano ang ginawa mo...pero since that day,yung first encounter natin sa Heaven Land?nakalimutan ko ang lahat...natibag yung boundary na ginawa kong harang para sa sarili ko.Ginising mo ang puso ko sa katotohanan na hindi naman lahat ay kagaya ni Mama.Nilabanan ko yung takot na baka mangyari din sa akin yung nangyari kay Papa...pero sweetheart,inamin mong mahal mo ako that night na inakala mong lasing ako...hindi ako makapaniwala na mamahalin mo ako since i am a totally jerk!"

Napakagat ako sa aking labi..alam ko pulang-pula na ang mukha ko ngayon.

"And so...tungkol doon sa ipinasa ni Carlo sa akin na picture nyong dalawa ni Gio...hindi ko naman masyadong dinamdam yun..nagawa ko pa din pakalmahin ang aking sarili that time..dahil inisip ko baka pakana lang talaga ni Gio ang lahat,at tsaka sweetheart may tiwala naman ako sa'yo.."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa part na yun.

"But then,pagdating ko sa airport wala na akong sinayang na oras..kaagad akong dumiretso sa bahay nyo kasama ang mga bodyguards ko!pero muli na naman akong sinakal ng galit nang makita ko sa labas ng gate ninyo ang kotse ni Gio...at kung ano ang dahilan kung bakit bigla nalang sumabog ang tinitimpi kong galit nung makita kong magkayakap kayo ni Gio sa may veranda at hindi pa iyon..i saw with my own eyes that you two were kissing!"

Oh god!pakiramdam ko ay nahugot ko ang aking paghinga this time!

"And that's why...pagdating ko sa mansyon ay bigla akong nagwala para maibuhos ko lahat ang sama ng loob ko...look sweetheart,if you were in my shoes...ano kaya ang gagawin mo kapag nakikita mo akong nakikipaghalikan sa ibang babae?"

Bigla akong napapikit ng mariin..gusto kong yakapin si giant sa mga oras na'to pero nauunahan ako ng hiya.

"Iniiwasan kita that time hindi dahil sa hindi na kita mahal!pinapalipas ko lang ang sama ng loob ko..hindi mo alam sa panahon na hindi ka pumasok sa Alfemo tower ay  wala akong ibang ginagawa kundi mag-stay sa painting room mo...walang oras na hindi ko hinihintay ang tawag at mga text mo...pero ni minsan ay hindi mo man lang naisipang gawin iyon!..."

Kung alam lang nya na para din akong mababaliw sa kahihintay ng tawag at mga text nya that time...

"I'll must be worried to death nang sinabi sa akin ng mga tauhan ko na syang inutusan ko para bantayan ka ay ni hindi ka man lang daw lumalabas mula sa apartment mo..ni hindi ka din umuorder ng pagkain sa labas..."

Aba't may bantay din pala ako...inisip ko pa man din na wala na syang pakialam sa akin sa mga oras na yun dahil wala na akong nakikitang mga bodyguards na nakabuntot sa akin.

"And that morning pagkagaling ko mula sa Alfemo Hotel ay kaagad akong nagkulong sa library room ko para panoorin yung flash drive na binigay sa akin ni Carlo..at nagulat nalang ako nang mapagtantong foot age mo pala iyon noong pumunta ka sa Heaven Land! Labis kong ipinagtaka nang makita kong iniwas mo kay Gio ang mga kamay mo at nagawa mo pa syang itulak...doon ko naisip na hindi naman pala kayo nagkakamabutihan,and that was the time na biglang tumawag ang magaling kong kaibigan na mayroon daw syang sasabihin sa akin."

Naisip ko na naman si Gio.Pero ewan ko ba...mukhang hindi naman ako nagtatanim ng galit kay Gio ngayon.

Nagmahal lang naman si Gio diba?kaya nya nagawa yun?

"Gusto kong patayin si Gio dahil sa sobrang galit ko sa kanya pero sweetheart...naiisip pa din kita,alam kong mas lalo mo akong hindi mapapatawad kapag nakapatay ako ng tao na ikaw ang syang dahilan kaya nagsuntukan nalang kami ni Gio.."

Oh god!kaya ba may mga pasa ang mukha ni Gio?at kaya siguro nagkaroon din ng sugat sa gilid ng kanyang labi si Klien?

"Pero matapos naming gawin iyon ay muli na kaming nagkaayos..we will still friends!at nangako na din sya sa akin na hindi na nya tayo guguluhin pa at pinangako din nya sa akin na pakawalan na nya ang nararamdaman  nya para sa'yo.Pero sweetheart,kahit gaano ka pa kagalit sa akin..pwede mo naman akong sampalin,sipain at kahit anong gawin mo tatanggapin ko hwag mo lang idamay ang anak ko!look sweetheart...pinaghirapan ko ding buuin yan,kaya hindi ko matatanggap na may masamang mangyari sa anak  ko..."

Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para iangat ang aking mukha.Akala ko nagbibiro lang si Klien pero kitang-kita ko ang napakaseryoso nyang mukha.

"Hindi naman ako nahulog mula sa kama..sinubukan kong tumayo akala ko kaya kong ihakbang yung mga paa ko,hindi pala kaya naupo nalang ako dito..."

Biglang lumambot ang kanyang ekspresyon at nag-squat seat sya sa harapan ko para magkapantay kami.

"Gusto mo bang pumunta sa loob ng CR?" Malambing na tanong nya sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot. Nakikiramdam kung humupa na yung galit nya

Marahan nya akong pinangko at pinaupo sa ibabaw ng kama.Hindi na ako nagprotesta nang bigla nyang hubarin ang suot kong damit.Wala syang iniwan na kahit anong saplot sa katawan ko.

"Paliliguan na din kita.."Aniya.

Naikapit ko nalang sa kanyang leeg ang aking braso nang muli nya akong pangkuin para dalhin sa loob ng CR.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapasinghap nang maramdaman ang matigas nyang braso sa hubad kong katawan.

Hindi nya ako tinantanan ng kanyang paningin.Nakatitig lang kami sa isat-isa na para bang hindi kami nagkita ng sampung taon!

Oh god!how i miss those expressive eyes!

☆☆☆

When The Coldhearted Beast Awaken Where stories live. Discover now