Chapter 31

24.8K 501 6
                                    

Isang buwan ang lumipas..

Sa loob ng isang buwan na yan ay marami na rin ang nangyari.

Nagkakilala na si kuya at Missy.At hindi rin nawawala ang bonding time ng dalawa.

Kahit gaano pa ka-busy sa work nya si kuya ay nagagawa pa din nyang sunduin si Missy sa school.
Bumabawi talaga sya sa mga panahon na wala sya sa piling ng kanyang anak.

At ako?

Heto..bumalik na sa dati ang samahan ng aming pamilya.Nagkaayos na kami nina Mom at Dad.

Labis ang pagkagulat nila nang sabihin ni kuya sa kanila ang buong katotohanan.Na hindi naman pala ako ang totoong Mommy ni Missy.

Labis-labis pa nga ang kanilang pagsisisi dahil sa ginawa nilang pagtakwil sa akin dahil hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag noon.

Pero..wala na sa akin ang lahat ng iyon.Kinalimutan ko na at sa totoo lang matagal ko na din silang napatawad.

Nang malaman ni Missy na si kuya Raisynzee ang kanyang Daddy ay nahati na ang kanyang oras.

Minsan nag'e-stay sya sa bahay namin tapos umuuwi din naman sa mansyon.

Mas gusto pa nga ni Mom na doon nalang laging manatili sa kanila si Missy dahil talagang naaaliw sya sa kanyang apo. Kaya lang ayaw ni Missy kapag hindi ako makakasama. Lalo na kapag doon matutulog.

Hindi ko naman kasi mapaunlakan din dahil hindi pumapayag si Klien.

Knowing Klien?

Isang segundo lang akong mawala sa kanyang paningin ay equivalent na iyon ng isang taon para sa kanya.

Kung pwede nga lang sana na samahan nya ako sa loob ng CR eh talagang gagawin nya.

Minsan naman sinusundo ako ni kuya sa Alfemo tower na syang kagustuhan ni Missy para sabay na kami pumunta sa bahay namin.

At si Klien ang susundo sa amin pag-uwi kapag natapos na ito sa mga importanteng appointment na naka-schedule dito.

Minsan pa nga nag'e-stay pa sya sa bahay at nakikipagkwentuhan muna kay Dad bago kami uuwi sa mansyon.

Magkasundong-magkasundo din sila ni kuya dahil magkasing-edad lang din naman sila.

Minsan kung busy si kuya at sobrang busy din si Klien ay nagkakaroon ako ng pagkakataon na gamitin yung motorbike ko.

Kaya kagaya ngayong araw...pumunta ako sa bahay na sakay ng aking motorbike.

Nauna na kasi umuwi sa bahay si kuya at kasama si Missy.

Wala na ding nagawa si Klien kasi napapansin ko nitong nakaraang araw ay masyado syang abala.

Sabagay...sa dami ba naman kasi ng businesses na nakaatang sa balikat ni Klien ay hindi na ako magtataka kung bakit kailangan nya ang maraming oras para magkulong sa loob ng kanyang office.

Naiisip ko tuloy yung mga pinagagawa kong kakulitan sa kanya dati.Ngayon naintindihan ko na kung gaano kahirap maging isang tycoon.

Pero hindi naman ako makakapayag na mawawalan sya ng oras sa akin..ibang usapan na yun!

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking phone.

Giant my love calling..

Nasa veranda ako sa mga oras na ito habang nasa sala naman sina Mom,Dad at kuya na parehong kakulitan si Missy.

Dinig na dinig ko nga dito ang lakas ng tawa nilang apat eh!

"Hello?giant susunduin mo na ba ako?"Malambing na tanong ko sa kanya.

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon