Chapter 10

26.8K 576 6
                                    

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng conference room nang magsimulang  magsilabasan ang mga kasamahan ko including our boss.

Naiwan kaming mag-isa ni Gio dito sa loob dahil humingi sya ng permiso kay boss na gusto daw nya akong makausap in private na pinaunlakan naman ng magaling naming boss.

Pero bago pa sya tuluyang lumabas kanina ay binigyan pa nya ako ng nakatatakot na warning look.

Para bang nagsasabi na hwag na hwag akong gumawa ng dahilan para magbago ang isip ni Mr Arellado at baka maisipan nitong mag-quit nalang sa usapan.

Kung alam lang talaga ni boss ay yun talaga ang gusto kong mangyari.Hindi ko gugustuhin na muli akong mapalapit kay Gio.

Dahilan?

Marami...

Ayoko ng maalala ang tungkol sa mga nakaraan namin..

Ayoko ng balikan ang mga time na kung paano ko iniyakan ang ginawa nyang pag-break up sa relasyon namin nang ganoon nalang.

"How are you?Heartily..."

Napatuwid ako ng upo nang biglang magsalita si Gio.

The way he talk ay para bang walang nagbago sa amin.

Para bang natural lang sa kanya ang lahat.

I-niscratch nya ang anim na taon na wala kaming balita with each other.

Ganoon lang ba yun?

"Kung yan lang naman pala ang itatanong mo kaya mo ako gustong makausap in private,well as you can see..I'm doing good!"

Napansin kong naikuyom nya ng mahigpit ang kanyang kamao na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"What happened?why you're still single?" Makahulugan nyang tanong

"Bakit bigla ka nalang yata naging concern tungkol sa buhay ko,Gio?baka nakalimutan mo na kung paano ako nagmamakaawa sa'yo na pakinggan man lang ang mga paliwanag ko noon?pero anong ginawa mo?imbes na makinig ka sa mga paliwanag ko..kung anu-anong masasakit na salita ang binato mo sa akin,hindi pa iyon nakipag-break ka sa akin at tuluyang lumisan sa buhay ko...tapos ngayon?dumating ka para tanungin ako ng ganyan?kung noon sana Gio ay may karapatan pa akong sagutin ang mga tanong mo...pero anim na taon na ang lumipas...marami na ang nagbago..."

Including my feelings to you...

"I'm sorry..binalot lang ako ng sama ng loob noon,but Heartily...sa maniwala ka at sa hindi,sa mga panahon na tiniis kong layuan ka it feels like I'm in hell!but now i realize something...ngayon nandito kana gusto kong muling ayusin ang lahat sa atin...Heartily,mahal pa din kita.."

Napatawa ako ng pagak..

"Its too late,Gio!sabi ko nga sa'yo ay marami na ang nagbago...hindi natin maihahambing sa mga nobela or teleserye sa drama ang tungkol sa love story nating dalawa...na in the first time ay in-love sa isa't-isa ang bida tapos magkahiwalay..tapos magkabalikan at magiging masaya ulit,but in our case...kapag sinabi kong over it's over!" Mapang-uyam kong sabi.

"Nasasabi mo lang yan dahil masama pa din ang loob mo sa akin,but please Heartily just give me a chance to be with you again...nakapag-decide na ako na hindi na muling umalis pa..i stay here for good!"

Kung noon ko pa siguro narinig ang mga paliwanag ni Gio ngayon?baka nga nagtatalon na ako sa tuwa..pero hindi eh!mas gugustuhin ko pa na bumalik sya sa States at hwag na muling magpakita sa akin.

"No...hwag ka nang magsasayang pa ng efforts mo Gio,i willing to be your friends...pero kung higit pa doon ang hinihiling mo,I'm sorry ngayon palang ay binabalaan na kita...Gio,i don't love you anymore..."

When The Coldhearted Beast Awaken Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora