Chapter 27

22.9K 564 1
                                    

Agad kong inikot ang aking paningin sa loob ng condo unit ni kuya pagkapasok namin sa loob.Hindi naman kalakihan itong condo unit nya.Parang sing laki lang ng apartment na inuupahan namin.

"What do you want to eat baby?i know hindi ka pa nakakakain...."

"Noodles...okay na yan,meron ka ba?"

"Noodles?hindi ka parin nagbabago baby,kaya nga lagi kang napapagalitan ni Mom..kasi instead na kumain ng proper foods ay yan pa ang pipiliin mo!"

Napasimangot nalang ako.Pinapaalala naman kasi ni kuya yung mga moment na masaya pang magkasama ang buong pamilya noon.

Si Mom..

Si Dad..

Ako at si kuya.

"Kuya,nasaan ang medicine kit mo?gagamutin ko muna yang sugat sa mukha mo...hindi ko talaga mapapatawad ang giant na yun kapag hindi kaagad mawawala ang peklat nyan!"Pag-iiba ko ng usapan.

"Ang ganda naman ng endearment mo sa kanya baby..haha giant pa talaga?"

"Hindi endearment yan!nakasanayan ko na kasing itawag sa kanya ang giant kaya mahirap ng baguhin.."

"Its fits to him haha...tutal sa laki ba naman nun pwede mo na nga syang tawaging giant!mabuti hindi ka natatakot sa kanya baby.."

"Bakit naman ako matatakot sa kanya kuya?wala naman akong nagawang kasalanan!makapagsalita ka din naman akala mo ang liit mong lalaki,eh isang dangkal lang naman siguro ang agwat ng height nyo ni giant.."nakanguso kong sabad.

"Nakapagtataka talaga baby,mailap sa babae yun!sobra nga ang pag-aalala ko kanina akala ko magawa ka nyang saktan!pero taliwas sa iniisip ko ang nangyari.Grabe!ang tinaguriang tycoon lumuhod sa harapan ng sister ko?you break the record baby!kung nakita mo siguro ang ekspresyon ng mukha nina Mom at Dad kanina?ewan ko lang!"

Hayan na naman si kuya lagi nalang isinasama sa usapan sina Mom at Dad.

"Kuya,yung medicine kit?"giit ko.

"Nandon sa drawer sa loob ng CR ng kwarto ko.."

"Okay,ako na ang kukuha,room mo ba yung nasa dulo?"

"Hindi,yung panggitnang pintuan yan ang room ko..."

Tumango lang ako at mabilis ng tinungo ang sinasabi nyang panggitnang pintuan.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto ni kuya Raisynzee.

Nakatulala akong napatitig sa wall na kung saan nakasabit ang portrait ng isang tao na itinuring kong isa sa pinakamahalaga sa buhay ko!

Ang ganda ng pagkakapinta..alam kong si kuya ang may likha nyan,pareho kasi kaming magaling sa pagpipinta.

Hindi nga lamang nya magagamit ang kanyang husay sa pagpipinta sapagkat kailangan nyang ituon sa business ang kanyang atensyon tulad ng kagustuhan ni Dad.

'Milly...you're so beautiful!'

Usal ko habang hindi ko kinukuha ang aking paningin mula sa portrait.Parang buhay na buhay pa din sya at nakatitig din sa akin..

Hindi ko namalayan ang paglandas ng aking luha mula sa aking mga mata.

I miss her...i miss her so much!!

Napadausdos ako ng upo sa sahig habang pilit binabalikan ng aking alaala ang mga pag-uusap namin ni Milly noon.

'Bakit hindi mo sasabihin sa ama ng magiging anak mo ang tungkol sa pagbubuntis mo?'

When The Coldhearted Beast Awaken Where stories live. Discover now