Chapter 2

26.1K 689 4
                                    

HINDI nagtagal ang pag-uusap ng magpinsang Lance sa tawagan ng matanaw ni Lawrence ang pagpasok ng pinsan nila sa loob ng ARB. Agad niya itong kinawayan ng mapadako sa kanila ang tingin nito. Nang makita sila nito ay agad itong lumapit sa inuukupa nilang mesa.

"Um. Pinsan, akala ko hindi kana darating? Mukhang hindi muna kasi maiwan-iwan yang propisyon mo." Ang nakangiting turan ni Lance sa pinsan niya sabay kamay niya dito ng makalapit ito sa kanila.

Napangiti naman ito dahil sa tinuran ng pinsan niya. "Kayo naman, kayo nga itong akala ko wala ng planong umuwi ng Pilipinas." Saad naman ni Renan sa mga pinsan.

"Mas maganda parin kasi pinsan dito sa pinas maghanap ng chicka babes. Kasi mas magaganda parin ang dalagang Pilipina, kung baga there beauty is so pure." Sigunda naman ni Lawrence na nakipagkamay rin sa pinsan.

"Langya kayo oh! So, yan lang ba inuwian niyo dito sa pinas ay para maghanap ng magagandang dalaga?" Tanong nito sa dalawa.

"Wala namang masama dun pinsan Renan. Ikaw, siguro marami ka nang mga chicks dyan. Paharbor naman ng kahit isa lang yung magaling sa lahat." Ani Lance sabay simsim ng kupitang mayrong nakasalin ng alak.

Natawa naman ang binata sa tinuran ng pinsan niya. "Gago, talaga kayo oh! Hindi ko kayo kagaya na mga womanizer." Ani Renan sa mga itong natatawa.

HABANG kakwentuhan ni Renan ang mga pinsan nitong galing states ay bigla itong nakatanggap ng tawag mula sa partner niya sa tabaho na si Brexx.

"Hello, bok. But napatawag ka?" Tanong agad ni Renan. "Bok, nasaan ka ngayon?" Tanong rin ng kausap niya sa halip na sagotin nito ang tanong ni Renan.

"Nandito ako sa Ambers Resto Bar kinatagpo ko ang mga pinsan ko. Bakit may problema ba?" Ulit nitong tanong kay Brexx.

"Ano kasi bok, may complainant dito sa opisina tapus nagwawala. Hindi namin kayang pakisamahan dahil parang tegri kung magalit." Ani Brex kay Renan.

"Okay, sige papunta na ako dyan, just give me a minutes." Pagkababa nito ng tawagan ay agad siyang tinanong ni Lawrence.

"Problem?"

"Yeah! Kailangan kung bumalik sa opisina." Wika nito sa mga pinsan.

"Go ahead. Magkita nalang tayo bukas sa bahay ng dinner, wag kang mawawala kundi magtatampo na si Mommy sayo." Si Lance na sabay tapik nito sa balikat ni Renan.

"Sige, bro. Don't worry, darating ako. I really have to go, magkita nalang tayo bukas." Pagkatapos nitong magpaalam sa mga pinsan ay agad na siyang nagmadaling lumabas ng Amber's Resto Bar.

SAMANTALA pagkaalis ni Sheryn sa building kung saan siya nagtratrabaho ay agad niyang binaybay ang daan patungo sa tagpuan nilang magkakaibigan ang Amber's Resto Bar na pag-aari nilang magkakaibigan.

Habang nagmamaneho ito ay nakangiti itong sinasabayan ang kantang nakaplay sa stereo ng kotse niya.

Pagkarating ni Sheryn Lleu ng Amber's Resto Bar ay agad na siyang nagpark ng kotse niya sa reserving area for VIP. Pagkatapos niyang magpark ay binaybay na niya ang daan papasok sa loob ng ARB ng biglang tumunog ang tawagan nito. Kaya agad niya itong hinanap sa kanyang bag upang sagutin. Habang kinakapa nito ang loob ng bag niya ay hindi nito napansin ang nagmamadaling palabas ng Amber's Resto Bar na nilalang.

"Ouch! Aray ko." Daing nito dahil sa lakas ng pagkakabangga kay Sheryn ng kung sinong nilalang at kamuntikan na rin siyang masubsub. Mabuti nalang maagap at mabilis siyang nadaluhan ng nakabangga sa kanya at agad siyang nahapit nito sa baywang upang hindi siya tuluyang ma-out of balance.

"Are you okay, miss?" Ang may pag-aalang tanong ng kaharap habang nakahapit parin ito sa kanyang baywang. Kaya ang labas tuloy nila ay para silang nagsasayaw ng sweet dance.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now