Chapter 10

20.7K 608 2
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Renan. Nakangiti itong pinagmasdan niya ang mukha ni Sheryn habang payapa itong tulog sa kanyang mga braso. Ng mapagud sa kakatitig sa mukha ni Sheryn si Renan ay maingat nitong pinaunan ang dalaga sa unan naroon. Saka siya maingat na bumangon mula sa kama.

Dahil nakaugalian na ni Renan ang maagang magjoging kaya agad itong lumabas ng silid kung saan silang magkasamang natulog ni Sheryn.

"Magandang umaga iho." Bati sa kanya ng matandang katiwala ng rest house.

"Magandang umaga rin po," ganting bati niya dito. "Um. Kung magising nga po pala si Sheryn at hanapin ako. Pakisabing dyan lang ako sa tabing dagat at magjoging lang po ako." Habilin nito sa ginang.

"Sige iho, sasabihin ko lang sa kanya." Anang nakangiting matanda. Kaya nakangiti rin itong tinalikuran ng binata bago siya nagtungo sa tabing dagat.

NAGISING si Sheryn dahil sa tama ng sinag ng araw sa kanyang balat. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at naramdaman nitong mag-isa na lang siya sa loob ng silid. Agad siyang bumangon at pumasok loob sa banyo para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay natapos siyang maligo. Lumabas siyang nakatapis ng towel mula sa loob ng paliguan. Nagbihis agad siya ng makahanap siya ng maisusuot niya mula sa dala niyang mga damit.

Nakasuot lang si Sheryn ng short-short na kulay blue at pinarisan niya ng maluwang na kulay pink t-shirt. Inilugay lang nito ang mahaba niyang buhok. Ng magawa ang nakaugalian ng gawain matapus maligo ay saka siya nagpasyang lumabas ng silid.

Nang marating ni Sheryn ang sala ay napasin niyang tahimik ang loob ng bahay. Kaya agad niyang hinanap ang kusina kung nasaan ito. Hindi naman siya nabigo at madali lang niya itong nahanap.

"Oh! Gising kana pala iha. Halika at maupo, gusto mo ba ng kape at ipagtimpla kita?" Anang matanda.

"Ay! Ako na po ang gagawa Nay," pigil ng dalaga sa matanda na abala sa paghahanda ng niluluto. "Si Renan nga po pala Nay?" Tanong nito habang nagtitimpla ng kape matapus niyang maitanong sa ginang kung saan ang gagamitin niya sa pagtimpla ng kape.

"Ang sabi e magjoging lang daw sa tabing dagat." Sagot nito sa tanong ng dalaga. "Ganun po ba." Anito sabay higop ng kape mula sa tasa.

Hindi pa man nangangalahati ang naiinom ni Sheryn na kape ng sumulpot sa kusina si Renan. Nakasuot lang ito ng joging pants na tiniruhan niya ng sando. Kaya kita ang hakab ng muscle nito. At kahit pawisan ito ay hindi parin nakakabawas ng kakisigan nito. Agad na kumuha ng tubig sa friged si Renan at agad itong nagsalin sa baso.

Dahil hindi makatingin si Sheryn sa binata ay nag-iwas na lang ito ng tingin. Halos mapatalon naman siya sa gulat ng biglang naupo sa tabi niya si Renan. "Hon, nagulat ba kita? Sorry!" Hingi nitong paumanhin kay Sheryn. Sabay halik nito ng dalawang kamay ng dalaga. Habang nakamasid ang ginang sa kanila ay hindi nito maiwasang hindi mapangiti.

"Ikaw kasi." Ang nakapuot nitong aniya sa binata sabay hampas nito ng mahina kay Renan sa balikat na napangiti. "Oo, na ako na." Anang binata.

"Maligo ka nga muna, pawis na pawis ka oh! Baka magkasakit ka niyan kapag natuyoan ka ng pawis." Anito sa binata sabay punas niya sa pawis ni Renan sa noo.

"Okay. My lady, masusunod po." Anito sa dalagang agad kinuha ang tasang gamit ni Sheryn at humigop doon bago tumayo. Napailing na lang si Sheryn dahil sa inasta ng binata at ipinagpatuloy ang pag-inum ng kape.

Kaylapad naman ng ngiti ni Renan ng makatalikod ito sa dalaga. Hindi niya akalain na makakasama niya si Sheryn sa iisang bahay. Kaya nagmadali itong pumasok ng silid nila at agad na tumuloy sa banyo para maligo.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now