Chapter 17

19.5K 499 5
                                    

DUMATING ang araw kung saan mangyayari ang shipping ng mga ilegal na armas sa pangunguna ni Mr. Vasquez. Ang grupo naman ng mga kapolisan ay handang handa na para masakuti ang lahat ng sangkot sa pagtutulak ng mga ilegal na baril sa bansa.

"Hon, dito ka lang okay." Ani Renan kay Sheryn na nag-aalala para sa binata. Dahil walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa opirasyon nilang gagawin.

"Promise me, mag-iingat ka." Naiiyak na nitong aniya sa binata.

"I'll promise, babilikan kita dito. Just wait for me. I love you." Anito kay Sheryn na kay higpit ng pagkakayakap sa kanya. Agad na kinintalan ni Renan ng halik sa labi ang dalaga bago ito humiwalay ng yakap sa kanya.

"Nicole, both of just stay here. Wag kayong lumabas." Habilin nito kay Nicole ng balingan niya ito.

"Don't worry, dito lang kami. Mag-iingat kayo." Sagot ni Nicole dito na kinakabahan din. Kahit pa isa siyang agent ay hindi parin mawawala sa kanila ang mag-alala at kabahan. Ngunit this time ay hindi siya nag-aalala para sa sarili niya kundi para kay Dave na siyang mata ng NBI sa grupo nila Mr. Vasquez.

Bago tuloyang umalis si Renan ay muli nitong kinabig sa batok ang nobya at siniil ito ng halik na agad din naman tinugon ni Sheryn.

Gamit ang hummer ni Renan ay agad niya itong pinaharurut patungo sa meeting place nila ng mga kasamahan niyang NBI sa pamumuno ni Brexx Almonte. Ng makita siya ng mga kasama niya ay bahagyang sumaludo sa kanya iba sa mga ito at mga naging kaibigan na niya ay nakipagkamay sa kanya.

Agad nilang pinag-usapan ang plano kung paano nila masasakuti ang sindikatong kinabibilangan ni Mr. Vasquez.

"Kailangan nating hatiin ang grupo para kung sakaling tumakbo sila ay wala silang matatakbuhan. Kailangan din natin ng look out, ang sniper ay dapat nakapwesto sa di kalayuan. Siya ang maging watcher natin kung ano ang nangyayari sa paligid." Ani Brexx sa kanila.

"We need a clean mission men. Kung kailangang walang putukang mangyayari ay gagawin natin. We need to make sure na walang madadamay na inosenting tao sa opirasyon natin." Aniya naman ni Renan sa kanila. "Copy men?"

"Copy."

Kaya matapus ang plano nila ay kanya kanya sila ng sakay ng mga sasakyan nila. At gaya ng plano nila ay mayron silang dalawang look out na sniper. Nakapost ito sa di kalayuang gusali kung saan nakikita ng dalawa ang nangyayari sa paligid.

Ang grupo naman nila Renan at Brexx ay nahati sa tatlo. Mayron silang itinalagang grupo di kalayuan sa mismong yatch kung saan mangyayari ang palitan ng baril at pera.

"This is Renan Trinidad, over. Anong balita sa location mo sniper 1?" Tanong ni Renan gamit ang mini microphone na nakakabit sa kanya at connected ito sa kanilang lahat upang magkarinigan sila.

"This is sniper 1, over. So far, the target is not yet there, wala pang gumagalaw na kakaiba sa target place." Sagot ng nasa kabilang linya.

"This is sniper 2, over. The target is on there way in the targer area." Anang isa pang sniper na nakapwestong magmanman kung paparating na ba ang grupo ng mga sindikato.

"This is Brexx Almonte, over. Maghanda kayo, the target is coming." Ani Brexx gamit ang mini microphone. Kaya nagsipaghanda silang lahat.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakita na nga nila ang mga sasakyang dumating. Agad na nagsikalat ang mga taohan ni Mr. Vasquez sa paligid. Ang lalaki naman ay agad na pumasok sa loob ng yatch. Hindi rin nagtagal ng may sasakyang dumating ulit. At doon ay lumabas ang isang chinese national kasama ang ilan nitong mga taohan. Agad na may sumalubong sa may katandaan ng chinese national at dinala niya ito sa loob ng yatch.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now