Chapter 12

19.7K 565 6
                                    

HABANG magkasama sina Renan at Sheryn na naglalakad sa tabing dagat ay napansin nilang halos lahat ng mga taong naroon ay nagmamadaling buhatin ang mga pinaglagyan nila ng isda. Kaya bahagyang tumingala sa kalangitan si Sheryn at kaya naman pala nagmamadali ang mga ito ay dahil nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan.

"Hon, mauna kana sa bahay. Tutulungan ko lang silang magbuhat ng mga nahuli nilang isda, kawawa naman kung abutan ng ulan." Ani Renan kay Sheryn.

"Okay."


Nakangiti naman itong iniwan ng dalaga. Napapailing na lang ito dahil nga sadyang likas ng matulungin si Renan.

Pagkarating lang ni Sheryn sa bahay ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. At tanaw nitong kakatapus lang din magbuhat ng mga mangingisdang naroon kasama si Renan. Habang nakatayo si Sheryn sa bungad ng pinto at hinihintay ang pagdating ni Renan ay agad siyang kumuha ng towel ng makita niya itong naglalakad pauwi.

Malayo pa lang si Renan ay tanaw na niya si Sheryn na naghihintay sa kanya sa bungad ng pinto habang may hawak itong towel. Agad na inabot ni Sheryn ang towel kay Renan ng marating nito ang bahay.

"Maligo ka agad at baka magkasakit ka." Utos ni Sheryn dito. "Okay hon." Anang binata at agad na tumuloy sa kwarto nila ng dalaga. Agad namang nagtungo sa kusina si Sheryn at tinulungan ang matandang katiwala na naghahanda ng haponan nila.

Matapus tulungan ni Sheryn ang matandang katiwala sa paghahanda ng haponan nila ay tamang tama naman at natapus si Renan maligo. Agad na pinulupot ng binata ang kamay nito sa baywang ni Sheryn. Pinanlakihan naman ito ng dalaga ng matang nagsasabing maupo ito. Kaya nakangiting napaupo si Renan.

"Mukhang masarap na naman ang dinner natin." Pangiti ngiting kumento ni Renan habang nakatingin sa nakahaing mga pagkain.

Agad na tumabi sa kinauupoan ng binata si Sheryn. "Kumain kana ng makainom ka ng gamot. Baka magkasakit ka at naulan ka pa naman." Sabay dama nito ng noo ni Renan gamit ang likod ng kamay niya.

MATAPUS nilang maghaponan ay magkasabay na pumasok ng kanilang silid si Renan at Sheryn. Agad na tumuloy ng banyo ang dalaga at nagpasyang maghalf bath. Ang binata naman ay agad nitong hinarap ang kanyang laptop at inalam sa kanyang kaibigan kung ano na ang balita sa kasong kinasasangkutan ni Sheryn.

"Hey! Bro, kumusta kayo dyan?" Bungad ni Brexx kay Renan ng buksan nito ang cam sa harap ng laptop. "Where good bro, how about the case?" Anito kay Brexx.

"Pinag aaralan na namin ang totoong mutibo kung bakit pinatay ang chinese national na yun bro. Marami kasi ang lumalabas na anggulo o maaring dahilan kung bakit pinatay." Anito kay Renan.

"What do you mean bro?" Takang tanong nito kay Brexx.

"Bro, ayun sa nakikita namin ay tatlo ang pweding anggulo ng crime. Maaring mga grupo sila ng malaking sindikato sa bansa, maari ding grupo sila ng mga drug lords or isang prime up ang nangyayari." Paliwanag nito kay Renan. Bigla naman napahilamus ng mukha ang binata.

"Thanks bro, gusto kung sa lalong madaling panahon ay matapus ang kaso. Ayaw kung naiipit sa kasong ito si Sheryn." Anito. "Inlove kana ba bro?" May panunuksong tanong ng isa.

"Nha. Kung alam mo lang bro," anito sabay tawa. "I love her bro, since the day I saw her innocent face." Pag-amin nito sa kaibigan.

"Whoa. Sige bro, ipush mo yan. Tatayo lang ako sa malapit. Ayaw kung ipush ka, baka bumagsak ka e sakin ka bumagsak. Ayaw kung magalusan ang gandang lalaki ko." Anitong natatawa.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt