Chapter 15

20.5K 536 6
                                    

KATOK ng pinto ang nagpatigil sa namumuong mainit na tagpo sa loob ng silid na siyang kinahinga ng babae. Samantala halos gusto na nang ginoong mambasag ng mukha matapus maantala ang handang handa na nitong armas sa pag-ataki.

"Honey, tingnan mo kung sino yan. Baka importante ang sadya tungkol sa negosyo mo." Pangumbinse dito ng babae na nakahinga ng maluwag. Kaya ayaw man itong pagbuksan ng lalaki ay napilitan itong isuot ang pantalon. Matapus nitong maisuot ang pantalon ay saka nito pinagbuksan ang kumakatok. Ang babae naman ay dali-dali nitong isinuot ang nahubad sa kanyang panty maging damit niya ay muli niya itong inayus.

Kakamot kamot naman ang taong napagbuksan ng ginoo. "Pasensya na po kayo boss kung naisturbo ko kayo. Inutusan po kasi nila akong sabihin sa inyo na dumating na yung mga kasusyo niyo mula Visayas. Nasa hide out na po sila ngayon." Anito sa kaharap habang pasimple nitong tinitingnan ang nasa loob na pinapakita nito ang kamay na ani mo'y nagsasabing 'humanda ka sa'kin mamaya' kaya lihim itong natatawa lalo pa ng mahagip ng mata niya ang boss na hindi naitaas ang ziper ng pantalon.

Agad namang natampal ng lalaki ang noo nito ng maalala na ngayon nga pala darating ang mga kasusyo nito mula Visayas. "Sige, nakanda na ba ang sasakyan?" Maya ay tanong nito sa binatang kaharap.

"Yes, boss. Ready na po." Sagot nito. Agad naman lumakad ang lalaki ni magpaalam sa babaeng kanina ay kahumayaw ay hindi na niya nagawa pa.

"S-sir, wag niyo po mamasamain huh! Pero ang alaga niyo pong cobra ay naninilip sa bintana." Makahulugan nitong aniya sa boss na nagpipigil ng sarili na wag matawa. Pasimple namang itinaas ng lalaki ang ziper ng pantalon nito bago umalis. Ng makaalis ang boss nila ay magkasunod na sapak ang inabot nito mula sa babae.

"Aray ko, masakit yun ha! Bakit ka nananapak?" Reklamo nito sabay kamot niya ng batok na sinapak ng babae.

"At nagtanong ka pa, bweset ka. Muntik na ako doon, kaasar ka ang tagal mo. Pinagsawaan tuloy niya ang ano ko pati yung ano niya napilitan akong manyobrahin. Tangina mo." Galit nitong aniya sa kaharap. Samantala ang lalaki ay nagpipigil lang na wag matawa.

"Bakit hindi ba magaling, kung gusto mo itutuloy na lang natin." Pang-aasar pa niya sa babae.

"Fvck you, Dave. Get lost, bweset ka." Naiiyak ng sita at pagtataboy ng babae dito. Ngunit bigla na lang itong nagulat ng hilain siya ni Dave kung saan.

"Ano ba, bitawan mo nga ako." Sabay hampas nito ng mahina sa dibdib ni Dave.

"I'm sorry kung nalate ako, nahirapan kasi akong pumorma para mapuntahan kayo kanina. Ikaw kasi bakit mo inakit yan tuloy kamuntik kana." May pag-aalala nito sa dalaga sabay hawi nito ng buhok ng kausap.

"Eh! Ano ba ang gagawin ko, hindi ko naman alam na may asim pa sa katawan ang matandang hukloban na yun." Naiiyak nitong sumbong sa binata. "Dave, anong gagawin ko. Tiyak pagbalik nun ay baka ituloy niya ang naudlot kanina?" Kinakabahan nitong tanong kay Dave.

"Look at me Nicole. Bago siya makabalik dito ay dapat makaalis kana, umuwi kana muna doon sa secret place natin at doon kana muna. Ako na ang bahala sa mission na ito." Ani Dave.

"Pero---

"Wala ng pero-pero, sumunod kana lang." Ma autoridad nitong utos sa dalaga.

"Hindi ka ba napapagud sa trabaho natin. Halos wala ka nang pahinga?" May pag-aalala nitong tanong kay Dave. "Lalaki ako at kaya ko ang sarili ko. Kaya wag ng matigas ang ulo, lumakad kana bago pa makabalik sina Mr. Vasquez." Anito na halos ipagtulakan na si Nicole.

"Mag-iingat ka dito ha! Hihintayin kita doon." Anang dalaga kahit hindi niya kayang iwan si Dave ay wala na siyang choices kundi ang sundin ito.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя