Chapter 6

22.1K 539 2
                                    

HAPON na ng makarating sina Sheryn sa Bukidnon. Ang bawat isa ay hapong hapo dahil sa pagud sa maghapong byahe ng mga ito. At dahil alam ng tita Samantha nila Aslea na dadarating ang mga ito ay inihanda na nila ang dinner para kakain na lamang sila kung dumating na.
 

Isang malakas na busina ng sasakyan ang narinig ng pamilya Samonte na agad naman nila itong nilabas. At nangingiti ang ginang ng makita ang pamangkin nitong pilya at mga inaanak nitong sina Sam at Cynth. Kasama rin ang anak ng kaibigan nitong si Hanah na si Belle at inaanak ng asawa nitong si Kathryn at si Sheryn.

"Hi, Mameta! How are you? I miss you." Si Aslea na agad yumakap sa tita niya. "I'm good hija and I miss you too." Aniya naman ng ginang sa pamangkin.

"Helo my beautiful ninang." Si Cynth na nakipagbeso-beso sa kanyang ninang. At sumunod rin si Sam na muntik pang matapilok.

"Hi tita." Ang nahihiyang si Belle.

"Hi tita. Kumusta po kayo?" Ang nakangiting ani naman ni Kathryn.

"Hi. Tita." At si Sheryn na agad din humalik sa pisngi ng ginang. "Kumusta ang mama mo hija?" Anang ginang sa kay Sheryn.

"Okay lang po tita, and she said. Hi daw po inyo." At ngumiti naman ang ginang kay Sheryn at maya't maya ay nagsilapitan narin ang mga boys sa ginang para batiin ito.

"Oh! Siya. Tumuloy na kayo sa loob at ng makapag pahinga kayo saglit. Dahil ang dinner ay handa. Ipinahanda na kasi ng tita niyo bago pa man kayo dumating." Aniya naman ng ginoo sa mga bagong dating na bisita. At ang lahat naman ay sumunod dito. Pagkapusok nilang lahat ay agad na nagsiupo ang mga ito sa malaking sala ng pamilya Samonte. At habang nakaupo sila ay ang bawat isa sa kanila ay inabutan ng mga katiwala ng inumin.

"Ah! Tito nasaan pala sina JB at Aeron?" Ang tanong ni Axel sa tito Fred nila. "Pumunta lang sila sa bayan hijo." Sagot ng tito Fred nito.

"Maya-maya lang ay nandito na yun sila hijo." Sabat naman ng tita Samantha nila. At habang nagkakakwentuhan nga sila ay bumungad sa bulwagan ng pintoan ang dalawang makikisig na lalaki. At nang mamataan ito ng lahat ay biglang napako ang mata ni Belle sa isa sa mga ito na hindi nakalampas sa paningin ni Sheryn kaya bigla niya itong binulongan.

"Ano, mga pogi ba bunso?" Na siyang ikinapula ng mukha nitong kinangiti ni Sheryn dahil sa inasal ni Belle. Agad namang lumapit ang mga ito sa kanilang lahat.

"Whoa. Welcome at Samonte's home town." Anang nakakatandang anak ng mag-asawang Fred at Samantha na si JB na agad nakipagkamay sa mga pinsang lalaki.

"Welcome mga 'tol." Ani JB. "Thanks tol." Si Austin na sabay suntok nito ng mahina sa balikat ng pinsan.

"Oh! Aeron, ikaw kumusta? Mukhang lalo tayong gumugwapo ah!" Na siyang kinakamot nito ng ulo ngunit napangiti sa tinuran ng pinsan niyang si Alex.

"Oh! Siya, hali na kayo at handa na ang mesa." Anang ginang at ang lahat naman ay dumulog sa hapag kainan.

MATAPUS nilang kumain lahat ay ipinasya na nilang magpahinga na dahil narin sa pagud nila sa byahe. At dahil tatlo lang ang guest room na bakante ay nangyari tatlohan sila sa bawat isang kwarto. Ang kambal na Alex, Axel at pinsan nilang si Austin ang magkakasama sa isang room. Sina Aslea, Sam at Cynth naman ang magkakasama at sa kabilang kwarto naman sina Sheryn, Kathryn at ang bunso sa kanilang si Belle. At dahil sa pagud ay agad ang mga ito dinalaw ng antok.

 

KINABUKASAN maagang nagising si Sheryn at agad itong pumasok sa bathroom para maligo. Makalipas ang halos kalahating minuto ay natapus ito at lumabas na siya namang pagpasok ni Kathryn para maligo rin habang si Belle ay tulog parin. Matapus maligo ni Kathryn ay saka nila ginising si Belle.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now