Chapter 11

20.3K 620 6
                                    

HABANG magkahinang ang mga mata nila Renan at Sheryn ay hindi maiwasan ng binatang wag maakit sa mapula-pulang labi ng dalaga. Lalo pa at bahagya itong nakaawang habang nakamata sa kanya si Sheryn. Kaya naman dahan-dahan nitong tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi.

Nang maramdaman naman ni Sheryn ang labi ni Renan sa kanyang labi ay saka ito nahimasmasan. Gusto na sana niya itong itulak ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay gusto niya ang paghalik sa kanya ng binata.

Dahil sa hindi naramdaman ni Renan ang pagtutul sa ginawa niyang kapangahasang halikan si Sheryn ay mas lalo nitong pinag igihan ang paggalaw ng kanyang labi. Dahil sa nakakaakit na halik ng binata ay hindi maiwasan ni Sheryn na wag matangay. Namalayan na lang nitong unti-unti na pala niyang tinutugon ang halik ng binata sa kanya.

Napangiti naman si Renan ng maramdaman niya ang pagtugon ni Sheryn. Kaya mas lalo nitong hinapit sa baywang ang dalaga. Kapwa habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Wala agad salitang namutawi sa kanilang mga labi, ani mo'y nagpapakiramdaman ang dalawa kung sino ang maunang magsasalita. Dahil sa namumuong katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay saka nagpasyang basagin ito ng binata.


"I'm sorry if I kissed you. Pero, hindi ko pinagsisihang hinalikan ka." Anito kay Sheryn. "Alam mo ba na noong una pa kitang makita ay gusto na kitang halikan. Kung hindi dahil sa kaibigan kung kasamahan ko sa trabahong tumawag ay sinundan na sana kita noon sa loob ng Amber's Resto Bar. Bumalik ako doon makalipas ang ilang araw pero hindi na kita nakita pa. Gusto ko sana magtanong sa mga waiter doon pero hindi ko naman alam ang pangalan na sasabihin ko kaya hindi na lang ako tumuloy magtanong." Paglalahad nito sa dalaga.

Bigla naman napangiti si Sheryn. Kaya pala pamilyar sa kanya ang mata ni Renan. Parang may sarili namang buhay ang kanyang mga kamay at marahan nitong inabot ang mukha ng binata. Dahan-dahan nitong hinaplos ang mukha ni Renan.

"Kaya pala pamilyar ang mga mata mo." Naisatinig nito. "You have no idea, minsan bigla na lang ako napapangiting mag-isa ng walang dahilan kapag naalala ko ang mukha mo." Ani Renan na nakangiti.

"It's look crazy, but sometimes I hugged my pillow and dream of you. And I wish that someday I'd dream about my pillow and I'd be hugging you." Anito sabay kamot ng ulo na kinangiti ni Sheryn. Kaya naman naaliw na nakikinig ang dalaga sa binata. Padapa itong nakahiga sa ibabaw ni Renan.

"I dont know exactly what I was waiting for but right now, It feel like everything I've been waiting for is here." Seryoso nitong anang kay Sheryn sabay hawi nito ng ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga.

"And I think, there must be something wrong with my eyes, I can't take them off of you." Dagdag pa nitong aniya sa dalaga.

"Really. So, why you don't close your eyes and you can take them off of me, insted." Pilya nitong sagot sa binata.

"Hindi ko magawang ipikit e. Sadyang nagayuma na atah ang mata ko pati ang puso ko right now. I have no words to express my feeling, I just feel it that I'm so happy." Anito. Hindi na alam pa ni Sheryn kung ano ang sasabihin. Napisip tuloy siya kung ang lahat ba ng mga police ay gaya ni Renan kung magsalita.

"I know hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko ngayon sa'yo. Pero kung pwedi mo lang tanungin ang puso ko ngayon ay sasagutin ka niya. Sasagutin ka niya at sasabihin niya sa'yong I'm telling you the truth." Anito kay Sheryn sabay kuha niya ng kamay ng dalaga at dinala niya ito sa kanyang dibdib.

Hindi man aminin ng dalaga ay ramdam naman nitong nagsasabi ang binata ng totoo. Hindi lang niya maiwasan ang pagdalawang isip. "I'm sorry, naniniwala naman ako sa'yo e. Hindi ko lang maiwasan ang macomfused. But I feel so nice to spend time with you right now." Pag-amin nito sa binata.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now