Chapter 14

20.1K 517 5
                                    

HABANG nasa daan sina Sheryn at Renan ay hindi namalayan ng dalaga ay hinila na pala siya ng antok. Kaya nang marating ng nila ang lugar kung saan ang sinasabing secret place ni Renan ay maingat nitong binuhat si Sheryn.

Agad na tinungo ni Renan ang silid na nakalaan para sa kanya sa naturang lugar. Maingat nitong nilapag sa kama ang natutulog na dalaga. Ng masiguro nitong maayos na ang pagkakahiga ng dalaga ay agad din siyang lumabas ng silid at binalikan ang mga kasamahan niyang dinaanan niya kanina.

"What happen, bro?" Agad na tanong ni Brexx sa kanya ng makalapit siya sa mga ito. "Pinaulanan kami ng bala sa resthouse." Sagot nito sabay upo sa couch.

"Alam ba ni tito Edward ang tungkol sa setwasyon ni Sheryn ngayon?" Seryosong tanong ni Frank. Bahagya lang itong umiling bilang sagot. Ang secret place na tinungo ni Renan ay ang lugar na ipinatayo ni Frank para sa grupo. It's a secret place for them bilang myembro ng secret agency na pag-aari ni Frank.

Hindi lang magaling na agad ng batas sina Renan at Brexx kundi kasapi din sila ng naturang agency. Na ang layunin ay mabigyan ng protiksyon at hustisya ang isang mamayang nasa panganib ang buhay.

"Hindi pweding malaman nila tito, baka mapano si tita kung malalaman niya ang kinasangkutan ni Sheryn. Pero gagawin ko ang lahat para protiktahan siya kahit kapalit nito ay ang sarili kung buhay." Anito sabay hilamus ng mukha.

"You really love her, bro?" Ang natatawang kumento ni Brexx. "Don't worry, may lead na kami kung sino ang master mind sa pagpatay ng chinese national na yun." Dagdag ni Brexx na kinaangat ng mukha ni Renan.

"Isang grupo ng malaking isda dito sa bansa. Malakas ang kapit sa goberno kaya patuloy na naghahari dito sa Pilipinas. Nagtutulak ng ilegal na mga armas ang grupo nila mula pa ng ibang bansa. Ang chinese national na pinatay nila kung saan nakita ni Sheryn ang pangyayari ay isa siya sa myembro ng sindikato. Ayun sa nakalap naming impormation ay tumiwalag siya sa grupo tangay ang 10.8 million na salapi mula sa grupo. At nakilala ang biktima sa pangalang Dou Kim Park." Paliwanag ni Brexx kay Renan.

"Naghihintay na lang tayo ng go signal para mahuli ang grupo nila. May natanggap na tayong report mula sa naasign na agent natin para manmanan sila. Ayun sa kanya sa makalawa darating ang mga ilegal na baril mula pa sa Korea and China. Ang shipping ng pera at baril ay mangyayari sa Batangas port kung saan dadaong ang barkong kinalululanan ng mga ilegal na baril." Dagdag na paliwanag ni Frank sa sinabi ni Brexx.

"At hindi na nakapagtataka kung bakit natunton kayo ng grupo nila. Dahil teretoryo nila ang lugar at nagkataon pa na ang bahay na katabi ng resthouse niyo ay pag-aari ng kalaguyo ng pinaka pinuno ng mga ito." Aniya pa ni Brexx na kinaupo ni Renan ng tuwid.

"Shit. Bakit ba hindi ko naisip yun." Biglang mura ni Renan. Hindi nito akalain na muntik ng mapahamak si Sheryn dahil sa hindi nito naisip agad na pwedi nga pala silang matunton doon ng grupong humahabol sa dalaga.

"Malulutas din natin ang kasong ito mga bro." Ani Frank sabay tayo. "I have to go, kaylangan ko pang bumalik ng hospital." Ani Frank sabay tayo nito.

"Thanks bro." Pasalamat ni Renan dito. "Nha. Don't mention it bro." Anito sabay tapik sa balikat ni Renan.

"Siya nga pala, kumusta ang girlfriend ni Belmonte?" Maya ay tanong ni Brexx na nakatayo na rin. "She's fine. Stable na ang lagay niya, nahuli narin ang nagtangka ng buhay niya para ipakidnap." Sagot nito.

"Thanks God," si Brexx na tinuro pa ang hintuturo sa itaas. "Bro, kailangan ko na rin umalis. Magrereport muna ako sa opisina ni chief. Tawagan muna lang ako kung may kailangan kayo dito. May inutusan na rin akong magdala ng mga kakailanganin niyo dito habang nandito kayo at sa kusina. At may take out rin akong dinalang pagkain, tingnan mo na lang sa kusina." Anito kay Renan.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now