Special Chapter

8.4K 178 22
                                    

Para po ito sa mga naguguluhan kung bakit tinawag ni Ethan na ate si Sheryn e siya naman ang panganay.
.
.
.
.
TILA dinaanan ng bagyo ang sala sa bahay ng magulang ni Sheryn. Bakit? Ang kapatid at anak lang naman niya ang salarin. Naiiling siyang nakamata sa dalawa. Naghahabulan ang dalawang naglalaro. Panay tawa ng anak niya habang hinahabol nito ang papa Ethan niya.

"Papa. Huli kita. Papa." Sigaw ng anak niya. "Waaaaa." Sigaw naman ng kapatid ni Sheryn sabay bulagta niya sa sahig ng mahuli siya ng pamangkin.

"I'm strong, Papa." Anito. Nasanay na ang anak niyang tawaging papa ang tito Ethan niya. "Ang galing-galing mo talaga, kiddo." Sabay gulo ni Ethan sa buhok ng anak niya.

"Yes. Yes. Ako pa." May pagmamalaki namang anang anak niya at itanaas pa ang dalawang mga kamay. "Yeah. Mana ka sa Papa e." Aniya naman ni Ethan at mabilis na nagthumbs up dito ang anak niya sa tinuran ni Ethan.

"Stop spoiling him." Aniya na nagpalingon sa dalawa. "Mommy." Tawag naman ng anak niya sa kanya sabay takbo nito patungo sa kanya.

"Mommy. Laro kami ni Papa Cole." Anang anak niya. Halos lahat sila ay Ethan ang tawag sa kapatid niya pero ang anak niya ay Cole ang tawag niya sa tito nito.

"Hayaan muna. Bata pa naman siya," anang kapatid niya na sumandal sa couch. "Isa pa ay nag-iisa lang naman siya. Kaya sino pa ang i-spoild natin." Dagdag pa nito kay Sheryn.

"Yan. Yan. Dahil hindi ikaw ang sasakit ang ulo kundi ako." Sita niya sa kapatid na ngumiti lang. "Come on. Hayaan mong mag-enjoy ang anak mo. Maranasan niya ang mga bagay-bagay lalo pa kung meron naman magbibigay nito sa kanya. You remember what happened to me." Ani Ethan na kinabuntong hininga niya. Mahirap talaga siyang mananalo sa kapatid niya. Laging meron itong panlaban sa mga sasabihin niya.

"Bahala ka na nga." Pagsuko niya.

"By the way. Meron akong namet na girl. She's confused. Bakit daw tinatawag kitang ate e mas matanda naman ako sayo." Maya ay ani Ethan sa kanya. "Oh! Anong sinagot mo?" Aniya.

"Sinabi kung yun ang gusto mo. At dahil malaki ang utang na loob ko sayo at dahil mahal kita ay kaya pinagbigyan kita sa gusto mo kahit ayaw ko." Sagot nito. Noong hilingin dito ni Sheryn na tawagin siyang ate ng kuya niya ay halos hindi maipinta ang mukha nito. Ngunit katagalan ay nasanay narin ito at kusa na lang lumalabas sa bibig niyang tawagin siya nitong ate.

"Thank you, kuya." Ani Sheryn na kinatigil ni Ethan. For all this year ay ngayon lang siya tinawag ng kapatid niya ng kuya. "Can you call me kuya again." Aniya kay Sheryn na ngumiti.

"Kuya Ethan Cole." Aniya ulit na nakangiti ng pagkatamis-tamis. "Fuck. Fuck." Ani Ethan na napatakbo sa kusina. Panay mura ni Ethan ng pumasok siya sa kusina na mabilis kumuha ng tubig at ininom niya ito.

"Anong nangyari sa papa Cole mo, baby?" Tanong niya sa anak. "Papa. Are you okay?" Tanong ng anak niya kay Ethan ng sundan nila ito sa kusina. Namumula pa ang mukha nito. Napangiti naman si Sheryn sa inasta ng kapatid niya. Mukhang nabigla ito ng tawagin niya itong kuya.

"Yes buddy. Nabigla lang si papa." Sagot niya sa pamangkin. "What change your mind for calling me kuya?" Curious nitong tanong sa kanya.

"Nothing. Gusto ko lang. Masarap pala kasi sa pakiramdam na meron kang tinatawag na kuya." Ani Sheryn. "Now you know." Natatawang ani Ethan.

"Yeah. I'm sorry kuya, kung ipinagkait ko sayong maging kuya ka sa akin for all this year."  Aniya kay Ethan sabay yakap dito. "It's okay. Your my always little sister. Kaya kahit anong hilingin mo basta kaya ko ay ibibigay ko yun sayo. So, don't be sorry." Ani Ethan sabay gulo niya sa buhok ni Sheryn bago niya ito hinalikan sa noo.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Where stories live. Discover now