5th

157K 2.9K 29
                                    

Zoe Kaila Esteban

Sabado ngayon at walang pasok ang mga bata. Hindi ko nalang muna sila ginising dahil maaga pa naman at para makapag-pahinga sila mula sa katatapos lang na exam week nila. As usual, wala ang mga magulang namin sa bahay. Hindi ko na nga lang sila iniisip dahil mas pabigat pa sila sa batang wala pang muwang sa mundo.

Papasok na ako ng trabaho nang mag-alarm ang may kalumaan kong cellphone.

"Shit, kasal ni Gracie ngayon." nag-aalangang sabi sa sarili ko.

Akala ko sa susunod pang linggo ito. Bakit ko naman nakalimutan? Napa-sapo naman ako sa aking noo at huminga ng malalim bago napapikit. Mamayang tanghali pa naman pero paano ako pupunta nito? Hindi naman ako puwedeng mag-absent dahil walang extra na papalit sa akin ngayon, whole day ang duty ko.

"Lagot ako nito." nanatili akong naka-tayo sa tapat ng bahay namin at nag-isip.

Hindi ko puwedeng iwan ang trabaho ko, hindi rin naman ako puwedeng hindi pumunta sa kasal ni Gracie kasi magtatampo 'yon at isa pa nangako ako sa kanyang pupunta ako kaya aasa siya na makikita niya ako.

Mag Half day nalang kaya ako? Kinuha ko ang invitation ni Gracie sa bag para tignan muli kung ano ang eksaktong oras magaganap ang seremonya. Napabuntong hininga ako at tinawagan nalang si Manager Cheska.

"Hello, Miss Cheska?" bungad ko ng sagutin niya ito.

"Napatawag ka? Anong meron?" aniya mula sa kabilang linya.

"Miss Cheska, puwede po bang hindi ako pumasok ngayon?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"Bakit?" aniya sa malambing na tono.

"Hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko, Miss Cheska. Sinisipon, makati po ang lalamunan at inuubo din po ako." pag-gawa ko ng rason at kunwaring umuubo. Sa fast food, bawal kasing pumasok ang employee nila kapag may sakit dahil pagkain ang hinahawakan doon.

"Sick leave nalang po, Miss Cheska. Babawiin ko nalang po sa susunod na araw." I tried to make my voice sound sick as possible as I can para ma-convince ko siya. Nagkaroon naman ng mahabang katahimikan mula sa kabilang linya at tanging ingay lang sa background ang naririnig ko.

"Miss Cheska?" narinig ko ang pagbuntong hininga niya matapos ang ilang pahina ng papel na parang binubuklat.

"Sige, papapasukin ko na muna ang kapalit mo. Mag-pahinga ka at uminom ng gamot at maraming tubig ha? Bantayan niyo ang mga kalusugan niyo." aniy at binigyan pa ako ng iilang payo.

"Opo, Miss Cheska. Salamat po." pagkababa ng tawag ay suntok sa hangin akong pumasok muli ng bahay.

Nagsimula naman na akong mag-ayos. Simpleng pastel silk dress na may see-through neck line at two-inches high na heels lang ang sinuot ko. Binili ko ito noong nakaraan, kinabukasan pagka-bigay sa akin ni Gracie ng wedding invitation nila.

I put on a light make-up and fixed my hair the way I like it. Kinuha ko ang pouch bag na libreng kasama ng sapatos na binili ko at inilagay ang mga kailangan kong gamit katulad ng lipstick, press powder, suklay, wallet at cellphone.

Tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko namang gising na si Joshua at nagtitimpla ng Milo. Nanlalaking mata naman niya akong tinignan at ngumiti bago nag-taas baba ng kanyang kilay.

"Ganda ng ate namin ah, saan punta? May kuya na ba kami?" pang-aasar nito at hinalo ang kanyang tinitimpla.

"Sira, pupunta ako sa kasal ni Gracie." sagot ko sa kanya habang inaayos ang maliit na gusot sa aking bestida.

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon