9th

145K 2.4K 114
                                    

Zoe Kaila Esteban

"Hindi pa rin pumasok si Shine?" Bungad sa akin ni Carlo nang maabutan niya ako sa employee room. Tinignan ko naman ang Time Cards namin at umiling.

Pangalawang araw na ito ni Shine na hindi pumapasok simula noong nag-day off kami para maghanap ng clinic. May sakit daw kasi siya kaya naka sick leave, iyon ang paalam niya. Bahagya tuloy akong nakonsensya dahil baka nagkasakit siya sa init ng panahon noong naglakad lakad kami para mag-hanap ng ospital o clinic.

"Nakokonsensya tuloy ako." Sabi ko kay Carlo habang nagsusuot ng hairnet.

"Bakit?" Tanong nito sa akin.

"Baka kasi nagkasakit si Shine noong nag-hanap tayo ng clinic. Sobrang init din kasi ng panahon tapos biglang lamig kapag sumasakay tayo ng bus o pumapasik sa ospital." Sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga. Bahagya naman itong natahimik.

"Pakiramdam ko naman ay walang kinalaman iyang pag-hahanap natin." Aniya at nag-salamin.

"Hindi kasi ako naniniwalang may sakit si Shine. Lakas niya pa no'ng umuwi siya e." Aniya at sinuklay ang kaniyang buhok.

"Ang judger mo masyado. Paano kung sumama lang pakiramdam niya pagka-uwi, diba?" Napapairap kong sagot kay Carlo.

"Ewan ko. Iba kutob ko e." Aniya at sinarsdo ang kaniyang bag.

"At isa pa, pinuntahan ko siya kahapon after shift para sana kamustahin pero wala siya sa bahay." Dugtong nito sa kaniyang sinasabi.

"Baka naman nando'n pero nagpapahinga o tulog." Sagot ko sa kaniya. Bahagya naman itong tumigil at napaisip bago nag-kibit balikat.

"Ewan, iba talaga ang pakiramdam ko sa kilos ni Shine." Aniya.

"Pakiramdam ko ay hinahabol habol siya noong ka-date niya." Dugtong pa nito na siyang ikinatawa ko.

"Alam mo napghahalataan ka na talaga." Sabi ko sa kaniya at humalukipkip.

"Bahala ka nga diyan, Zoe. Magtatrabaho na lang ako rito." Aniya at nauna na lumabas ng employee's room. Natatawa naman akong napailing sa kaniya.

Normal na araw lang naman ngayon at wala masyadong kakaibang nangyari. Sumapit ang break time kaya napag-pasyahan namin ni Carlo na kumain at bumalik nang maaga para makapag-pahinga pa.

"Ngayon ako magpa-pancit." Sabi ko sa kaniya at pinag-hawak ang dalawa kong palad at bahagyang kinilig.

"Paborito mo talaga ang pansit diyan e 'no?" Ani Carlo. Tumango tango lang ako sa kaniyang bilang pag-sagot.

Habang naglalakad ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin.

"Gracie? Napatawag ka?" Tanong ko at sinenyasan na mauna ng bumili si Carlo.

"May pasok ka ba ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Meron, bakit?" Kunot noo kong tanong sa kaniya pabalik.

"Ayain sana kitang lumabas. Kumustahan ba, ganon. Tsaka may chika ako." Aniya.

"Diyan ako nabubuhayan e, sa chika—Well, hanggang 6pm lang naman ako mamaya. Pwede ba after ng shift ko?" Tanong ko sa kaniya. Bahagyang nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya bago ito sumagot.

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon