8th

145K 2.6K 51
                                    

Zoe Kaila Esteban

Katulad ng sabi ni Shine at Carlo, sinamahan nila ako na mag-hanap ng clinic na puwedeng magpa-laboratory at magpa-check up si Joshua. Hindi naman kami ma-pribiliheyo para magkaroon ng health cards na sana ay makakatulong sa amin para mabawasan ang magagastos sa pagpapagamot niya.

Iniintay ko naman na dumating sila Shine at Carlo sa may waiting shed malapit dito sa fastfood na pinagtatrabahuan namin para sabay sabay kami mag-tungo sa unang clinic na pagtatanungan namin. Sana ay hindi gaano malaki ang mga bayarin sa mga clinic na pupuntahan namin para at least ay ako nalang ang magbabayad at hindi na mag-bigay pa ng pera sila Carlo at Shine sa akin.

Habang naghihintay ay nakaramdama ako ng gutom dahil hindi pa ako naga-almusal. Tinignan ko ang cellphone ko kung may chat si Shine o Carlo sa akin. Tumayo naman ako sa aking kinauupuan at dumiretso sa sari-sari store na malapit para bumili ng biscuit at tubig.

Sinapo ko ang aking noo at tumingin bahagya sa itaas. Napaka-init ng panahon ngayon at wala pa akong dalang payong. Muli akong uminom ng tubig ay yumuko para iwasan ang sinag ng araw.

Bigla namang nag-ring ang telepono ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot.

"Hello, Shine. Nasa'n na kayo?" Tanong ko at nagbabakasakaling si Shine ang tumatawag.

Walang sumagot.

Kunot noo ko namang inilayo sa tainga ang aking telepono bago tinignan ang caller's ID. Numero lang ito at hindi registered sa phonebook ko. Kumunot lalo ang aking noo at ibinalik ang telepono sa aking tainga.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko pero eala pa ring sumasagot.

Napabuntong hininga ako at napairap.

"Alam mo, hindi ko alam kung wala lang talagang audio ang tawag at hindi kita marinig or simpleng pinagtitripan mo lang ako." Sabi ko sa tumawag.

"Kung prank call lang ito, wala ako sa wisyo makipag-biruan. Iba nalang ang kausapin mo." Napapairap kong sagot at binaba na ang tawag.

Maya-maya ay nag-ring ulit ang aking cellphone.

"Sabi ko wala akong panahon—"

"Sino na namang kaaway mo?" Natatawang sabi ni Shine mula sa kahilang linya ng telepono. Bahagya naman akong napaubo at umiling.

"W-wala, may prank caller kasi kanina. Saan na kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Malapit na kami. Tsaka—prank call? Baka naman secret admirer mo 'yan." Ani Shine at bumungisngis. Napailing naman ako at napairap.

"Well, nakakainis siya kung gano'n. Bilisan niyo na, ang init kaya." Sagot ko kay Shine.

"Oo na, ito na, malapit na kami." Aniya. Binaba ko naman na ang tawag at inantay nalang silang makarating.

"Zoe!" Agad ko namang nilingon ito nang marinig ko ang boses ni Shine. Kasama nito si Carlo at sabay silang kumaway sa akin. Bahagya naman akong ngumiti at kinawayan sila pabalik.

"Ready ka na ba? Alis na tayo?" Tanong ni Carlo sa akin.

"Oo, tara na para hindi na rin tayo hapunin pa." Sagot ko sa kanila.

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon