Prologue

153 16 3
                                    

I opened my eyes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I opened my eyes. Nasaan ako? Bakit tila nakabaliktad ang mundo? Nakita ko ang tila hindi magkamayaw na paglakad-takbo ng mga tao sa paligid.

May naririnig ako. Ang ingay nila pero mas umalingawngaw sa pandinig ko ang uwang ng ambulansiya.

Lumingon ako na tila ba may hinahanap at nakita ko ang isang lalaki sa kabilang upuan. Tinitingnan ko siya ng maigi pero hindi ko siya maalala. Hindi na rin siya humihinga.

Base sa aking nakita, tila ba kami ay naaksidente. Nabaliktad ang aming sasakyan. At siya ang nagmamaneho.

Unti-unti na akong pumipikit nang biglang may lumapit. Dalawang tao, puro lalaki. Pareho silang nakaputi.

"Ito pa rin ang pinili mo."

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Ano'ng ibig sabihin nila?

"Aya! Oh my God. Hold on. Don't close your eyes."

Hindi ko man kilala ang babaeng bigla na lamang lumapit sa akin, pero nagpapasalamat ako.

When The Sun SetsWhere stories live. Discover now