2

20.6K 431 9
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

---

Agad kong pinunasan ang pawis na lumandas sa noo ko at sinara ang lagayan ng mga walis at umupo doon.

Salamat naman at tapos na ang pagdurusa ko.

Ngayon ang huling araw ng community service ko. Remember ang nasira kong shelf? 3 weeks of community service ang pinarusa sakin. At sa 3 weeks na yun ay lagi akong gabi umuuwi at knockout na agad ako pag dating sa bahay kaya umaga na ako naka rereply sa message ni Grae.

Simula nung araw na sinimulan ko ang pagkakamali at panloloko ko sakanya ay araw-araw na kaming nag uusap. Kung ibang tao lang siguro ay hindi ako tatagal pero iba talaga pag yung taong mahal mo. Hindi ka nauubusan ka ng kwento.

~Flashback~

Agad na nanlaki ang mata ko nang makitang kinonfirm nu Grae ang friend request ko sakanya sa facebook gamit ang Dummy account ko. Pinaypayan ko ang mukha ko habang ang bibig ko naman ay naka form ng malaking 'O' habang naka titig parin sa notification. Mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa laptop ko at binasa ito ng malakas.

"Grae Audi Salvatore confirmed your friend request"

'Gooosh!' Sigaw ko at tumalon talon pa sa kama ko sa sobrang kilig.

Well you can't blame me for being this exagg. Grae is so damn famous not just in personal but also in social media. Hindi siya nag popost at nag sta-status pero pag siya nag change profile laging umaabot ng libo ang likes. And i beg marami ang friend requests niya. At isa na ako doon. Kaso ngalang hindi niya parin kinoconfirm ang friend request ko sa Real Account. Kaya ginamit ko ang dummy account ko na kung saan ako nag poposts ng feelings ko at in-add siya.

And taran! We're now friends!

Umupo ulit ako sa higaan at tiningnan kung online ba si Grae. At parang narinig kong nagsi awitan ang mga anghel sa langit nang nakita ko ang green na button sa gilid ng pangalan niya.

To send or not to send? Bulong ko sa isip habang nakatitig sa "hi" na tinype ko.

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now