14

13.3K 339 13
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

Patago akong napairap nang hindi manlang ako binuksan ni Grae ng pinto at nauna pang pumasok sa loob ng sasakyan ng hindi manlang ako nililingon kaya napilitan akong pagbuksan ang sarili ko ng pinto kahit na ang dami kong dalawa

Ang gentlewoman ko naman.

Nandito kami ngayon sa parking lot ng school at papaalis papunta sa bahay ni Grae para tapusin ang Given task. Bukas na kasi ang deadline na sinet ng teacher namin kaya dapat matapos na namin yun mamaya.

Agad kong sinuot ang seatbelt sa sarili ko habang seryoso naman si Grae sa pagpapaandar ng sasakyan. Mabuti na ang handa kesa sa mapahiya nanaman ako no!

Nagsimula na siyang magmaneho at hindi nagtagal ay nakalabas na kami ng school. Napakunot ang noo ko nang tumigil kami sa 7 eleven na hindi kalayuan sa school namin. Agad akong bumaba ng sasakyan at patakbong sumunod kay Grae na ngayon ay nasa pinto na at papasok.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko habang nakasunod parin sakanya.

Napansin ko naman ang pagka tulala nang ibang babaeng nandito habang ang iba naman ay nagbubulungan habang nakatingin kay Grae. Napabalik ang tingin ko sakanya at napansing parang wala lang naman sakanya ang attention na nahahakot niya.

Siguro sanay na sanay na siya. Ikaw ba naman mabiyayaan ng ganyang ka gwapong mukha simula pagka bata hindi ka pa masasanay?

Napanguso ako sa naisip at matalim na tiningnan ang mga babaeng nakatitig sakanya at mas dumikit kay Grae na busy sa pag tingin tingin.

Ako ang kasama bleee! Manigas kayo!  Piping sabi ko sa isip habang nakikipag titigan sa mga babaeng ina- eyerape siya. Napaiwas naman ng tingin ang iba habang ang isa naman ay tinaasan ako ng kilay na para bang hinahamon.

Grr! Wag mokong ma taas taasan ng kilay kung di aahitin ko yan! Napakuyom ako ng kamao at mas lalong sinamaan ng tingin ang babaeng tinaasan ako ng kilay.

"What are you doing?" Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon si Grae na nagtatakang naka tingin sakin. Agad naman akong ngumiti sakanya ng matamis at sumandal pa sa isang stant.

"Wala naman bakit?" Nakita ko namang ngumiwi ng konti si Grae at naglakad pauna sa counter. 

"Creepy psycho" rinig kong bulong niya. Napasunod nalamang ang tingin ko sakanya habang nanlalaki ang mata.

Psycho? Mukha ba akong killer?! Gosh! Ang ganda ko naman sigurong killer!

Narinig ko naman ang pag tawa ng babaeng tinaasan ako ng kilay kaya nilingon ko ito at inambahan ng suntok.

"Let's go psycho" agad kong tinago ang naka kuyom kong kamao at nakangiting nilingon ulit so Grae.

"Sige" masayang sambit ko at nauna na siyang mag lakad. Nilingon ko naman ulit ang babae at nakitang napasimangot siya.

Inirapan ko naman siya at nag flip hair bago sumunod kay Grae sa sasakyan.

Manigas ka kasi hanggang tingin ka lang! Maganda ka nga pero sakin naman napunta ang huling halakhak! Hahahahaha!

Naalala ko naman ang tinawag sakin ni Grae.

"Psycho"

Gosh ang sweet! Yun na ba pet name niya sakin? Endearment?! Ahihi ano kaya itatawag ko sakanya?

- Grae Audi Salvatore-

Hi guys! Comment if anong magandang itawag kay fafa Grae and with reason kung bakit ganon ang itatawag sakanya! Nyahaha! Gora!

R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now