7

14.5K 378 11
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

"So are you just gonna stand there? You're wasting time woman"

Mahina akong napailing para ibalik  ang sarili ko sa realidad at para mawala ang pagka gulat ko at kilig na naramdaman nang makita ang gwapong itsura ni Grae na ngayon ay kunot na kunot ang noong nakatingin sakin.

"Sorry" mahinang sabi ko at mabilis na pumasok sa sasakyan niya at umupo sa passengers seat. Tahimik na nakatingin lang ako sa harapan nang mapansin kong hindi parin kami umaalis kaya napatingin ako kay Grae na masama ang tingin sakin.

"What?" Takang tanong ko dito.

"Seatbelt please" simpleng sabi niya at don ko napansing hindi pala ako nakasuot ng seatbelt.

"Ano ba to?" Mahinang bulong ko sa sarili nang hindi ko mahila yung belt. Nahihiya naman akong lingunin si Grae at humingi ng tulong dahi baka madagdagan ang inis niya sakin at mabulyawan ako. Medyo pinipwersahan ko na ang pag hila nang marinig kong malakas na bumuntong hininga si Grae.

"Let me" agad akong nanigas nang agawin niya ang belt mula sa pagkakahawak ko kaya nag daiti at balat namin. Napa form naman ng maliit na 'o' ang bibig ko habang parang tuod na hindi gumagalaw at nakatitig lang sa gwapong itsura ni Grae na inaayos ang seatbelt ko. Sobrang lapit ng mukha niya sakin kaya pag humarap siya ay paniguradong nag kikiss kami >_<

Saglit pa akong napapikit habang inaamoy ang mabangong pabango niya. Lalaking lalaki talaga pero hindi masakit sa ilong.

Agad naman akong napaayos nang bigla nalamang niya ako titigan mula sa gilid ng mata niya. Sunod sunod akong napalunok nang dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa halos maduling na ako.

'Clink'

Rinig kong tunog ng pag lock ng seatbelt sabay pag  upo ng maayos ni Grae sa drivers seat. Nakahinga naman ako nang maluwag na ngayong malayo na ang distansiya naming dalawa at hindi na nasakin ang attention niya dahil sa daan na nakatutok ang pansin niya.

Parang gusto kong i pat ang sarili ko sa balikat dahil hindi ako napapikit nung lumapit ang mukha niya kung hindi siguri pahiyang pahiya na ako ngayon kasi obviously nag expect akong hahalikan niya ako.

Katahimikan ang sunod na namagitan saming dalawa dahil hindi ako nag salit kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko at isa pa busy din si Grae sa pag dadrive ayoko siyang kulitin.

Hindi nag tagal ay pumasok kami sa isang subdivision. Wiling wili ako sa pag tingin tingin sa mga nag gagandahang bahay na nadaraanan namin nang huminto kasi sa isang bahay na sobrang laki. Bumusina ng dalawang beses si Grae at agaf na bumukas ang malaking gate ng bahay .

Wow!  just wow! Hightech!

"Dito ka nakatira?!" Gulat na tanong ko at nilingon si Grae

"Yeah" simpleng sagot niya at nag maneho na papasok ng bahay. maghang mangha ako nang makitang may fountain sa harap ng mismo ng bahay nila at dumaan muna kami sa garden bago kami tumigil aa garahe.

Agad akong bumaba ng sasakyan at masayang nililibot ang tingin sa paligid.

"Monique" agad na nanayo ang balahibo ko sa batok nang marinig ang malalim na boses ni Grae na tinawag ako.

Bakit... bakit ang hot pakinggan?

Tumikhim muna ako bago siya nilingon.

"Bakit?" Muntik na akong mapasinghap nang makita ang kabuuan niya. Bakit ngayon ko lang napansin na naka muscle tee siya? Gosh yung muscle niya sa braso. Ang sarap titigan. Pero parang mas masarap kainin.

"Come" napailing ako sa kahalayang pumapasok sa isip ko. At agad na patakbong sumunod kay Grae na mabilis na nag lalakad papasok.

tahimik lang akong naka sunod sakanya habang winiwili ang sarili ko sa pag tingin tingin sa paligid nang may mapansin ako.

"Maupo ka muna. I'll just grab some snacks" sabi niya sakin ng tumigil kami sa salas.

akmang aalis na sana si Grae na bigla ko siyang tinawag.

"Grae" hindi ito simagot pero nilingon niya ako.

"Wala ba kayong katulong?" Takang tanong ko.

"We're both alone" simpleng sagot nito at pinag patuloy na ang paglalakad.

Literal naman akong napanganga at napasunod nalamang ang tingin sakanya.

Kaming dalawa lang? Sa malaking bahay na to?

Agad nang init ang pisngi ko sa kalahayang posibilidad na mangyari ngayon na kaming dalawa lang.

"Gosh nique yan ang nakukuha mo sa pakikipag kaibigan kina Vina at Tricia" bulong ko sa sarili habang mahinang sinasampal ang sarili.

-Grae Audi Salvatore-

R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Grae Audi Salvatore ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin