16

14K 382 22
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

Napakunot noo ako nang maramdaman ang pag vibrate ng phone ko mula sa bulsa ko sa kalagitnaan ng pag di-discuss ang teacher namin. Wala sana akong balak pansinin ito nang maramdaman ko nanaman ang pah vibrate ng phone ko after ilang minutes na hindi ko ito pinansin.

Kunyari attentive akong nakikinig sa prof namin at tutok ang mata sakanya when in fact na habang ginagawa ko yun ay inabot ko ang cellphone ko at tinago sa ilalim ng mesa ko at binuksan. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang naka register.

2 messages from Grae Bipo.
Hey
Recieved 9:36 am

Notice me
Recieved 9:40 am

Napansin ko lately na lagi akong nilalapitan ni Grae. Hindi naman sa feeler ako kasi yun talaga ang totoo. Nag simula yun nung huling gabi na ginawa namin ang given task. Gusto ko ngang isipin na dahil yun sa niluto ko pero parang ang weird naman non!

Pero pwede din. Kung hindi ka ba naman tanga inoorasyunan mo yung pagkain habang niluluto!

Napangiwi ako nang mapagtantong  tama ang sagot ng kabilang isipan ko. Habang niluluto ko kasi ang pagkain paulit ulit kong sinasabi na 'maiinlove sakin si Grae'!  At parang nagkatotoo nga!

Tapos sa pagkatapos nung nakain ni Grae yung niluto ko at napansin ko ang pagiiba niya ay nag panic ako kaya nag research ako ng mga reverse spell na pwedeng masira ang curse na nilagay ko kay Grae.

Na hindi mo naman ginawa kasi enjoy na enjoy ka sa attention na binibigay sayo no Grae.

Napalabi ako nang tama nanaman ulit ang sinagot ng kabilang isipan ko. Marami nga akong na research pero ni isa wala akong ginawa kasi nag eenjoy ako sa attention na binibigay sakin ni Grae. Ilang taon din akong nakontento lang sa patingin tingin. And i know nasama na mag take advantage sa pangyayari pero aalisin  ko naman yung curse.

Ay teka! Ba't ba masyado kong siniseryoso ang curse na pinag sasabi ko! Duh! 2016 na ngayon!

Napailing ako sa sarili at nag simulang mag type ng reply kay Grae.

Hey, maya na tayo mag usap. Baka mahuli ka ng prof!
Sent 9:53 am

akmang itatago ko na pabalik sa bulsa ko ang phone nang bigla ko nanaman itong nag vibrate kaya tinago ko ulit at binasa ang text.

I'd rather talk to you than listen to her.

Napakagat ako ng labi at sinilip si Grae na hinihimas ang lips niya habang naka ngiti.

Napansin kong yun ang isa sa mga habbit na ginagawa ni Grae habang may iniisip na nakatutuwa.

dali dali kong kinuha ang panyo ko at tinakpan ang bibig ko para makasiguradong hindi mauulit yung nangyari nung kelan at agad na iniwas ang tingin kay grae.

Ewan, tigilan moko.
Sent 10:01 am

Make me
Recieved 10:01 am

Isa
Sent 10:02 am

Dalawa
Recieved 10:02

Napahilamos ako ng mukha nang ma realize na wala nga talagang plano si Grae na tigilan ako kasi on the mood siya. Kapag wala naman siya sa mood ay parang nag iisa lang siya sa world na hindi namamansin ng kahit sino.

tsk bipolar.

Last na to. Makinig ka sa prof. baka pagkatapos nito magpapa tutor ka nanaman sakin kahit alam mo naman. Kung di sisipain talaga kita. Sent 10:05 am

pagkatapos kong ma send ang reply ko ay tiningnan ko siya ng masama mula sa malayo at kahit hindi niya naman ako makikita. Malay niyo gumana ang sinasabi nilang 'makuha ka sa tingin'

Tumigil siya sa pag himas ng lips niya at niyuko ang cellphone niyang baka display lang sa taas ng desk niya. Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtantong hindi niya tinatago ang cellphone niya at pwedeng pwede yun ma confiscate ng prof namin.

Napatingin ako sa prof namin at agad na napangiwi nang makitang parang wala lang siyang nakikita.

Binalik ko ang tingin ko kay Grae at nahuling naka tingin siya sakin. Hindi siya naka ngiti pero kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwang nag lalaro doon kaya tinaasan ko siya ng kilay nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Agad akong yumuko sa desk ko at binaon ang mukha ko sa libro para hindi niya makita ang pamumula nh mukha ko nang mabasa ang reply niya.

Oh, my baby is fierce
Recieved 10:07 am

Julalay! Anong ginagawa mo sakin Grae?!

-Grae Audi Salvatore-

HELLO! SHOUT OUT TO BangtanShidaexoxo FOR SUGGESTING A NICKNAME FOR GRAE!

R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Grae Audi Salvatore ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon