4

15.5K 370 6
                                    

Napakagat ako ng labi at napayuko nang makita si Grae sa pinto ng room namin. Tamad itong nakatitig sa prof namin na namumula na sa galit.

Well i can't blame our prof. 2 weeks straight nang absent si Grae matapos ang gabing hindi ko siya sinipot nung gabing inaya niya akong makipag kita. Galit na galit ako sa sarili ko at inuna ko pa ang takot ko sa magiging reaction niya kapag nalaman niyang matagal ko na siyang niloloko.

"Can i take my seat now?" Bored ang tonong tanong nito at initsa ang bag niya papunta sa balikat. Kung noon ay masungit lang ito at hindi namamansin ngayon naman ay mag dadalawang isip na talaga ang kahit sinong tao na kausapin ito dahil sa expression na pinapakita nito. Pero kung tititigan mo ang mata niya ay mapapansin mo doon ang lungkot na pilit niyang tinatago sa lahat ng tao.

Tahimik lang kaming lahat habang naka sunod ang tingin sakanya na naglakad papuntang seat niya. Kahit ang prof namin ay wala nang nasabi at napailing nalamang. Maybe iniintindi niya nalang si Grae kasi this is the only time where Grae is being like this.

"I'll be gone for 1 week because of conference that we teachers need to attend" lahat ay sumisigaw sa tuwa dahil sa in announce ng prof namin habang ako naman ay palihim nakatitig sakanya na tulala lang sa mesa nito.

Did i made the wrong decision? dapat bang nakipag kita ako sakanya? Pero natatakot ako sa magiging reaction niya.

Natahimik naman ang lahat ng may dinugtong pa ang prof namin sa maganda niyang balita.

"I will leave something for you to work on while im gone. It's kinda hard so i will group you by pairs randomly. "

Nagsimula nang mag announce ng pairings si prof habang ako naman ay tulala lang habang lumilipad ang isip sa kung anong dapat na ginawa ko nung gabing yun.

" And lastly, Mr. Salvatore and Ms. Palomar"

Ano kaya kung pumayag ako nung gabing yun at hindi ko pinangunahan ang kung ano mang naisip kong mangyayari?

"Is there any objection with the pairings? "

Sabagay pano naman siya magagalit nun kasi nalulungkot siya. Mas mangingibabaw yun sa galit na mararamdaman niya pag nakita ako.
Kausap ko sa sarili sa isip at mahinang sinasampal sampal pa ang sarili.

"Okay, good bye class" gulat na napaangat ako ng tingin at nakitang naglalakad na palabas ng room ang prof namin.

Hala! Ba't ang bilis?! Hindi pa niya na aannounce kung sino pair ko!

-Grae Audi Salvatore-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Grae Audi Salvatore ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon