10

14.6K 406 12
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

"What are you doing here?" Malamig na tanong mi Grae sa kapatid habang pababa ng hagdan.

Nakita ko namang kumunot ang noo ng kaharap ko "i should be the one asking you if what is this girl doing here" at dinuro pa ako.

Nakatingin lang ako sa kambal habang sila ay nag babangayan na parang wala lang ako dito.

"Um excuse me-?" Singit ko sakanilang dalawa parang hindi naman nila ako narinig.

"You should not bring any girls here at home" galit na sabi ni Grey sa kapatid. Binigyan lang naman siya ng malamig na tingin ni Grae at pumunta sa dereksyon ko kung saan ang kusina. Hindi maka paniwalang bumuntong hininga si Grey at sumunod sa kapatid at iniwan akong magisang nakaupo.

Yeah. Tama nga ako. Hindi nga talaga nila ako napansin at tuluyan na ako kinalimutan.

Napailing nalamang ako nang makarinig nanaman ako ng sigawan mula sa dereksyon na tinahak ng dalawa. Tsk makapag away parang babae. Sabagay mas okay na yun kesa sa mag suntukan sila.

Sinilip ko muna ang wristwatch ko bago napag desisyunang ayusin na ang gamit ko at umuwi nang hindi nag papaalam. Malalamin din naman nila yun pagkatapos nilang mag away at mapansing wala na ang pinag aawayan nila.

Sumilip muna ako sa kusina at napatawa nang makita si Grey na salita ng salita sa harap ng walang pakealam na si Grae dahil busy sa pag gawa ng sandwich.

Siguro close talaga sila noon nung hindi pa pumasok sa eksena sa pagitan nila ang tinatawag na 'pagibig'
Kahit kasi may sigalot sa pagitan nila ay hindi naka ligtas sa paningin ko ang galak na ekspresyon na dumaan sa mata ni Grae nang masilayan ang kapatid.

Sumilip pa ulit ako saglit at nakitang ganoon parin ang pangyayari kaya napag desisyunan ko nang tahakin at daan palabas. Magaling ako sa dereksyon kaya kahit isang beses ko palang madaanan at maaalala ko kaagad ito.

Nasa bandang fountain ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko mula sa bulsa ko kaya napatigil muna ako at kinapkap ito. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang pangalan ni mama na naka rehistro sa screen ng phone ko.

Patay! Anong sasabihin ko? Ang sabi ko lang kagabi sa mama na gagawa lang kami ng given task. Hindi ako nakapag paalam na makiki tulog ako kina Grae paranoid pa naman si mama mag isip!

Napakagat ako ng kuko ko sa daliri at pikit matang sinagot ang tawag ng mama.

"Ma?" Halos bulong kong sabi. Katahimikan naman agad ang sumalubong sakin kaya halos tawagin ko na lahat ng santo sa langit at nag dasal na sana hindi ako sermunan ni mama. Matagal pa naman ang linggo pero mukhang mapapa aga ang misa na dadaluhan ko.

"Anak" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang seryosong boses ni mama. Masayahing tao si mama pero kahit sino man ay hindi matutuwa kapag ito ay nag seryoso na. Parang pinag sama kaming 10 babaeng buntis ang ugali.

"Po ma?" Nanginginig na sagot ko.

"Naka 3 point shot ba si Grae?" Literal na napa nganga ako  nang bigla nalamang tumawa si mama na parang baliw pagkatapos sabihin ang sinabi niya. Agad na nanginit ang pisngi ko nang maisip ang pinag sasabi niya.

"MAMA NAMAN EH!"  inis na sabi ko at pinag patuloy ang paglalakad ng padabog.

malakas na napahiyaw ako nang saktong pagka liko ko papunta sa dereksyon ng gate ay bigla nalamang may sumulpot na dalawang malalaking aso at tinitigan ako.

"Uh. Ma.  Maya na tayo usap. Bye." Dahan dahang sabi ko sabay baba ng cellphone.

Base sa mukha ng mga aso ay handa na nila akong lapain isang maling galaw ko lang kaya sinusubukan kong gumalaw ng dahan dahan at pati pag hinga ko ay pinipigilan ko na.

"Easy doggy friends tayo" kausap ko dito at dahan dahang tinaas ang isang paa ko at akmang tatapak palad nang bigla nalamang ako tahulin ng dalawa kaya agad akong napatakbo pabalik sa dinaanan ko.

lumingon ako sa likuran ko at napansing malapit na akong abutan ng dalawa kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko.

Parang nakarinig naman ako ng nag aawitang anghel nang makitang malapit na ako sa pinto ng bahay nang bigla nalamang bumukas ito at linuwa si Grey na kunot na kunot ang noo pero agad na nagulat nang makita akong tumatakbo papunta sa dereksyon niya.

At Dahil sa nakaharang siya sa pinto at dala na rin ng nerbyos ko na baka kagatin ako ng mga aso ay hindi na ako nag dalawang isip na tumalon at limambitin sa katawan ni Grey na parang tuko. 

"Paalisin mo sila!!!" Sigaw ko nang sinusubukan akong abutin ng mga aso kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkapulupot kay grey at hinila ang sarili ko pataas.

Naramdaman ko namang pumaikot sa bewang ko ang isang kamay ni Grey habang ang isa naman ay ginagamit na pang hawak sa aso.

"Easy! Dana and Patrick! Bad dog!" Agad namang napatigil sa pag wawala ang aso ng marinig ang sinabi ni Grey at napayuko na parang nalungkot ng sobrang.

Pinat ni Grey ang ulo ng dalawa at inutusang umalis na sinunod naman ng dalawa. Nahihiyang bumaba ako mula sa pag lambitin sakanya at humingi ng paumanhin.

"I'm sorry" nahihiya talaga ako sa ginawa ko dahil sa tanda kong to ay takot parin ako sa aso. Pero kung kayo sa posisyon ko matatakot talaga kayo kung ganon kalaking aso ang hahabol sayo!

"No it's okay. are you hurt?" Nag aalalang tanong nito at hinawakan ang braso ko at ininspeksyon. Nagulat naman ako kaya hindi ko agad nabawi ang braso ko.

"Get your fuckin hands off her. or i'll cut if off" sabay kaming napalingon nang mariniga ang boaes ni Grae. Masama ang tingin nito sa kamay ni Grey na naka hawak sa braso ko at parang pinuputol na ito sa isip.

Sunod na tiningnan ng masama ang kapatid at parang tinakasan ako ng dugo nang ako naman ang tinitigan nito ng masama. Kaya agad kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Grey.

Teka?! Wala naman akong ginawang masama ah!

-Grae Audi Salvatore-

R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now