15

13.8K 334 17
                                    

"Done!" Masayang sambit ko at nilapit ang laptop na naka open sa draft na tinype ko kay Grae. Kunot noong inabot niya naman ito at nilagay sa lap niya.

"PALOMAR!" Napakagat ako ng kuko ko at napayuko nang sumigaw na si Grae at tiningnan ako ng masama.

Sa lagay niya ngayon ay parang mag tratransform na siya into supper saiyan kasi parang may nakikita na akong aura sa paligid niya ngayon habang masama ang tingin sakin.

Pano ba naman siya hindi ma bebeastmode kung pang 6 ko nang inulit ang draft na yun pero hanggang ngayon ay mali parin!

"Sorry" mahinang sabi ko habang minamasahe ang kamay ko at nakayuko kasi hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"Sorry?! For godamn sake Monique this is the 6th time you edited this draft and every time palala ng palala ang outcome ng ginawa mo!"

Amazed na napatingin naman ako sakanya habang parang gusto kong pumalakpak sa nangyari bago lang.

"First time ang haba ng sinabi mo" hindi makapaniwalang tiningnan niya naman ako at napahimas ng noo na parang hindi na talaga niya alam ang gagawin.

Tama naman ako diba?! Eto ang unang beses na ganyan kahaba ang sinabi niya! Palagi kasi siyang nag titipid ng salita kaya achievement talaga maging isa sa mga taong marinig siyang mag salita ng mahaba!

"You!" Halos maduling ako nang sumunod ang tingin ko sa tip ng daliri niya tinuturo ako.

"Ako?" Takang tanong ko at tinuro ang sarili.

"May iba pa ba akong kausap?" Dikit ang kilay na tanong nito.

"Baka naman kasi nabaliw ka na at pati hangin kinakausap mo na" mahinang bulong ko sa sarili na mas lalo namang kinunot ng noo niya.

"What?"

"Wala, ano yung ni 'you you' mo sakin?" Sabi ko sabay abot ng kamay niya at tinuro ulit anh sarili ko gamit ang hintuturo niya.

Nakita ko namang natigilan siya at napatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niya kaya napatingin din ako doon at parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng ma realize na hawak ko pala ang kamay niya. Agad ko iyong binitawan at umiwas ng tingin dahil nararamdaman ko ang pagakyat ng init sa pisngi ko.

Gosh! Nag holding hands kami! Nagkaroon kami ng connection! /agka contact kami! Nagkadikit yung balat namin!

As if naman hindi yun ang first time na nahawakan mo siya. Baka nakakalimutan mong mas malala pa sa kamay nahawakan mo sakanya!

Parang sinusunog ang mukha ko sa init nang mapagtantong tama ang sagot ng kabilang isip ko.

Jusko! Kelangan ko nang magpa mental bukas! Mukhang malakas na yata ang sapak ko sa ulo!

"Go to the kitchen and prepare at food for us" rinig kong sabi ni Grae kaya napalingon ako sakanya at nakitang busy siya sa pagkakalikot ng laptop ko.

Buti hindi niya hindi siya aware sa nangyayari sakin. Parang wala lang kasi sakanya ang nangyaring pag holding hands namin eh!

"Okay!" Nakasimangot na sagot ko.

Agad akong tumayo at nagsimula nang mag lakad ng matigilan ako nang marinig ang pag tawag sakin ni Grae.

"Please make food for human. I don't wanna wake up with a grumpy stomach" seryosong sabi nito habang deretso parin ang tingin sa laptop mo at animoy hindi nakakainsulto ang sinabi niya.

"Errr!" Inis na sigaw ko at nagpapadyak pa papunta sa kitchen. Hmp! Humanda siya! paniguradong pagkatapos niyang tikman luto ko ay mahal na niya ako!

Remember yung sabi nila?! Na a way to man's heart is through their stomach?!

Napangiti ako ng malapad at kung iba siguro ang makakakita sakin ay iisipin nilang baliw ako habang nag hahanda ng makakain.

Humanda ka sakin Grae Audi Salvatore! BWAHAHAHAHAHA!

-Grae Audi Salvatore-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now