21

10.3K 321 22
                                    

Kunot noong napamulat ako nang mata nang marinig ang sunod sunod na ingay galing sa pinto.

Sino kaya yun? Takang tanong ko at tumayo para puntahan sa kabilang pinto kung nasaan natulog si Grey. Napatingin muna ako sa wallclock at nakitang alas 2 na ng umaga bago tumuloy sa kabilang kwarto.

"Grey?!" Mahinang sigaw ko nang hindi ko siya madatnan sa kwarto niya, kinakabahan na ako kasi sunod sunod na ang pag bang ng kung sino mang nasa kabilang parte ng pinto sa labas at hindi ko pa maapuhap si Grey. Halos bali baliktarin ko na ang buong unit Ni Grey pero hindi ko talaga siya makita at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil mas nadadag dagan ang kabang nararamdaman ko dahil sa kumakatok.

Hindi naman siguro masama ang kung sino mang kumakatok kasi mahigpit ang security dito sa condo na to at hindi ka basta bastang makakapasok unless wala kang consent from one of the oweners here.

Pero sino naman ang nasa labas pa at kakatok sa kung kaninong unit ng ganito kaaga?

Si Grey, kita mo hindi mo nga mahanap ang lalaking yun.

Agad napakunot ang noo ko nang maisip kung saan nagpunta si Grey at iniwan ako ditong nag iisa at hindi manlang nagpaalam or nag iwan ng note sa ref para naman at least may alam ako. Pagkatapos naming mag inuman kanina na siya lang naman ang umiinom ay hinatid niya na ako sa isang room. Dalawa kasi ang room dito sa unit at don daw siya matutulog sa kabila.

Agad akong napabalik sa kasalukuyan nang marinig ulit ang malakas na pag katok sa pinto.

"OPEN THE GODDAMN DOOR!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sobrang pamilyar na bises na iyon na sumigaw.

"Grae?" Takang sagot ko at lumapit sa pinto at dahan dahan itong binuksan. Una kong nasilayan ang batok ni Grae dahil nakayuko ito habang hindi tuwid ang tayo. Pero maya maya ay nag angat siya ng ulo at nakita ko ang mata niyang halos hindi na maka mulat.

Sinubukan niyang tumayo ng tuwid pero agad din siyang nabuwal kaya agad ko siyang sinalo para hindi siya mag landing sa sahig at dun ko naamoy ang alak sa hininga niya.

"Grae! Lasing ka ba?" Parang gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko dahil ang stupid ng tanong ko. Hndi pa ba obvious?

"Monique?" Narinig kong ungol nito habang baon na baon parin ang mukha sa leeg ko.

"Hmm?" Inayos ko ang pagkakahawak sakanya at hinila siya papasok para masara ko na ang pinto. Nakikiliti ako sa hininga niyang tumatama sa leeg ko kaya mahina akong napapahagikgik.

Nasaan na ba kasi si Grey?

Gustong gusto ko ng bitawan nalang at iwan si Grae dito sa sahig matulog dahil sa sobrang laki ng katawan niya at ang tangkad niya ay ang bigat niya kaya ang hirap niyang buhatin.

"Maglakad ka nga!" Inis na bulyaw ko sakanya. Naramdaman ko naman ang pilit niyang pag lakad kaya mas napapadali ang pag tahak namin sa daan papuntang pinto.

"Haaaay!" Parang nawalan ako ng bigat sa balikat ng tuluyan ko nang malagay sa higaan si Grae. Dito ko siya dinala sa kwarto ni Grey dahil magkapatid naman sila.

"Ikaw na lalaki ka! Ang laking perwisyong dinulot mo sakin ngayong gabi! Tnulungan kita at hindi pinabayaan kahit bwisit ako sayo! " inis na sambit ko at dinu duro duro ko pa ang tulog niyang mukha. Napatitig ako sa maamo niyang mukha habang himbing na himbing sa pag tulog.

Bakit ikaw pa Grae? Naisip ko habang dahan dahang binababa ang kamay ko at akmang tatalikod na para umalis ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako pahiga kaya dumagan ako sa katawan ni Grae.

"I'm sorry" rinig kong bulong niya sa tenga ko at mas binaon ang mukha sa leeg ko. Nakikiliti ako sa hininga niyang tumatama sa leeg ko kaya sinubukan kong kumawala.

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now