19

15K 354 16
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

"Tama nang iyak yan. Nadadagdagan kapangitan mo" natigil ako sa pag hikbi nang marinig ang sinabi ni Grey napaisip.

Kaya siguro simula nung una hindi ako nagustuhan ni Grae kasi ang pangit ko. 

At dahil sa naisip ko ay mas lalong lumakas ang iyak ko.

"Hoy nag jojoke lang ako! Ah sht!" Rinig kong pagpapanic ni Grey at inabot ang isang box ng tissue sakin. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat bago kumuha ng marami ay sumingha.

Nakita ko naman ang pag ngiwi ni Grey habang nakatingin sakin.

"Bakit?! Ngayon ka lang nakakita ng pangit na sumisingha ng sipon?!" Humihikbing sabi ko at pinahiran ang luha ko.

Pesteng buhay naman kasi to! Ano bang kasalanan ang nagawa ko at hindi ako mahal ng mahal ko!

"Wala akong naintindihan. Para kang ngongo mag salita" natatawang sabi ni Grey at napasinghap nang bigla ko siyang hampasin.

Kanina pa kasi ako umiiyak kaya na ngongo ako. Pagkatapos nang nangyari kanina ay dinala ako ni Grey sa sasakyan niya na nakapark sa parking lot ng school at hinayaan akong umiyak ng umiyak.

"You know what. Walang mangyayari kung gaganyan ka lang. Kahit maubos pa luha mo kakaiyak hindi babalik si Grae" seryosong sabi ni Grey.

Nakaramdam nanaman ako ulit ng pamilyar na kirot na naramdaman ko kanina nang marinig ang sinabi ni Grae.

Bakit ba ako nasasaktan?

"So anong gusto mong gawin ko? Mag pakamatay? Para ma konsensya naman siya?" Nakangiwing sagot ko

Napaigik ako at tiningnan nang masama si Grey na napapailing pagkatapos niya akong sapukin.

"Hindi mo ba alam na maraming matanda na gusto bumalik sa kabataan  Tapos na ikaw itong hinfi pa matanda  gusto mong putulin buhay mo?"

Natahimik ako sa sinabi ni Grey. Tama nga naman siya.

"What i mean is let's enjoy! In the first place yun naman talaga ang sadya ko sayo. Let's go!" Natigil ako sa pagiyak nang makita ang malawak na ngiti ni Grey habang pinaandar ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho.

Kung hindi siguro magkamukha si Grey at Grae ay hindi malalaman ng iba na magkapatid sila. Sobrang baligtad kasi talaga ang ugali nila.

At dahil sa ngiti ni Grey na nakakasilaw ay napangiti narin ako at napailing. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mall hindi kalayuan sa school namin.

Una naming pinuntahan ang listahan ng mga showing na movies pero sa kasamaang palad ay wala kaming natripan na panoorin kaya mapag desisyunan nalamang naming kumain.

"Jollibee!"

"Mcdo!"

"Jollibee nga sabi!"

"Mcdo nga sabi!"

"Ako ang babae kaya jollibee tayo!"

" ako ang nang-aya kaya Mcdo tayo!"

Kanina pa kami nag tatalo kung saan kami kakain. pinag titinginan na nga kami ng mga dumadaang tao kasi napapalakas ng konti ang boses naming dalawa.

Sa inis ko ay nag walkout ako at pumunta sa jollibee. Naramdaman ko naman ang pag sunod ni Grey sa likuran ko at maya maya ay naramdaman ko ang pag kalabit niya sakin.

"Sorry na. Ge jollibee na tayo" nanghahaba ang ngusong sabi nito. Napangiti nalamang ako at napailing sabay nauna nang mag lakad .

"So mcdi tayo?" Malawak ang ngising tanong ni Grey nang makita akong malungkot na nakatingin sa jollibee na punong puno ng costumers.

"Sige nangalang" labas sa ilong sa sabi ko. Natawa naman si Grey bago ako hinila na nakapagkit parin ang tingin sa Jollibee.

"Bye bee-bee"

At dahil sa malungkot daw ako dahil na broken hearted na at hindi pa nakakain sa paborito kong fastfood ay si Grey ang nag bayad ng pagkain ko. Libre niya na daw ako kasi baka daw mag bigti ako ng tuluyan.

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad muna kami para bumaba ang kinain namin. agad na napakunot ang noo ko nang bigla nalamang akong iwan ni Grey at tuloy tuloy na pumasok sa isang arcade.

"Huy! Anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko nang makasunod ako sakanya.

"Matutulog" natawa siya nang bigla ko siyang titigan ng masama dahil sa pamimilosopo niya sakin.

Kanina pa tong lalaking to ah. namumuro na to.

Bumili muna siya ng token at dumeretso sa basketball.

"Pataasan tayo Monique. Ang may pinakamababa may dare" nakangising sabi ni Grey sakin habang tinataas baba ang kilay.

Bakit parang kinakabahan ako sa ngising meron si Grey ngayon? Pakiramdam ko ay hindi ko na makikita ang bukas.

"Ayoko. alam kong magaling ka. Hindi na ako aasang mananalo ako.  Ayoko nang saktan sarili ko"

Napasipol naman si Grey at malakas na tumawa dahil sa sinabi ko.

"HUGOT! so ano. Ako na nanalo" mas lalong lumapad ang ngisi niya. Inirapan ko lamang siya at tumango 

As if i have a choice. Alam ko namang magaling siya.

"Okay my dare is..

Stay with me tonight"

-Grae Audi Salvatore-

R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now