VIII | In Action

385K 13.4K 3.9K
                                    

Cesia's POV

Nakarinig kami ng ingay. Sabay kaming napatingin sa direksyon na tinignan niya. Isa-isang lumabas ang napakaraming lobo mula sa pader dahilan na mapaatras ako.

Nakatutok ako sa mga ito kahit nang umalis na si Sir sa gitna at iniwan sina Ria at Chase.

Handa na sana akong tumakbo papalabas, kaso napansin kong ako lang ata ang may bakas ng matinding takot sa mukha. Hindi sila natinag sa isang pack ng literal na wolves, na pinanlilisikan kami ng mata.

Nabigla ako nang lahat ng mga ito'y nagsitakbuhan nang napakabilis papunta sa dalawa na nakatayo at nakatalikod sa'min.

"Hindi 'to PE..." In denial pa rin ako sa nakikita ko. Dahil kung totoo nga, ibig sabihin, mangyayari din sa'kin 'yan. Ilalagay nila ako sa gitna at mapipilitan akong iligtas yung sarili ko. As if naman kaya kong labanan ang mga 'yan?! Ano ba kasing klase ng PE 'to?!

"A pack of hungry wolves is always a good idea." nakangisi si Sir Rio sa tabi ko.

A pack of hungry wolves is always a good idea?! WOLVES?!

Bago pa ako maka-react, lumakas ang ungol ng mga lobo na nakapalibot kina Chase at Ria. Lumitaw sa kamay ni Ria ang kanyang espada. Saktong nagsimula nang gumalaw ang kanilang mga kalaban at isa sa mga ito'y lumundag sa kanyang harapan para sana'y makagat ang binti niya. Pero hindi nangyari 'yon dahil mas mabilis si Ria. Umatras siya saka pinahilig ang kanyang espada mula sa baba, pataas sa leeg nito. Nakita ko kung gaano kadali para sa kanya ang paghiwalayin ang ulo at katawan ng nilalang na nanguna sa pag-atake.

Kaya ngayon, hindi na ako sigurado kung saan ako dapat matakot, sa isang dosenang lobo na patay na patay sa gutom... o sa isang anak ni Ares.

Sinundan ko ng tingin ang ulo na gumulong papalapit sa'min. Ilang sandali la'y naging abo ito at tuluyan na ngang nawala sa aming paningin.

"Ganda ng bagong installment Sir ah." Nagawa pa ni Chase na pumuri sa sitwasyon niya. Isang lobo na nasa kanyang likuran ang tumalon at muntikan nang tumama sa katawan niya kung hindi lang siya biglaang nawala. Muling nagpakita si Chase at hinawakan ang leeg ng lobo habang nasa ere pa ito at malakas na tinulak sa sahig. Nang yumuko siya para gawin 'yon, dalawa pang mga lobo sa magkabilang gilid niya ang umatake. Nagkasalubong lang ang kanyang kilay at nanatili siya sa pagyuko. Isang bagay ang mabilis na lumipad sa ibabaw niya. Dumiretso ito sa noo ng isa sa mga lobo, saka ito lumabas sa likod ng ulo nito at kasunod na tumungo sa isa pang lobo. Bumagsak ang dalawang nilalang nang bumubuga ng dugo ang mga mata, ilong, tenga at bibig.

"Your accuracy is getting better, Chase." tumatango-tango si Sir Rio. "But next time, while your weapon is moving, you should be moving too."

"Multi-tasking?" tumayo si Chase. Lumutang sa harap niya ang kanyang weapon. Wala nang makikitang ginto na kulay nito dahil nabalot ito sa dugo.

"You know he can't do that." Narinig namin ang paghatak ni Ria ng espada na nakabaon sa katawan ng lobong nasa paanan niya. "He's too lazy."

"Nahihiya naman ako sa'yo, Ria." Sumagot si Chase. Magkaharap silang dalawa at parehong nakasingkit ang kanilang mga mata sa isa't-isa. Itinaas ni Chase ang kanyang kamay at mabilis na tumungo paharap ang kanyang weapon. Tumigil ito, ilang inches lang ang layo mula sa mukha ni Ria bago lumiko at tumama sa mata ng lobo na tumatakbo papalapit sa kanila. "Sino ba sa'tin ang lumalabas para kumain ng ice cream kapag taga-hugas pinggan season?"

"Eh? Si Ria yun diba?" tanong ni Art.

"Oops." Umaktong nagulat si Chase. "Hindi ako nagsabi n'on ah..."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon