XXXVIII | Perplexed

229K 9.1K 2.5K
                                    

Cesia's POV

Inilabas ko ang isang notebook at ballpen mula sa bag pagkatapos maupo. Inihanda ko na yung sarili ko para sa susunod na subject. Ito rin ang second favorite subject ko kasunod ng History.

Biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Doc Liv na gulong-gulo ang hitsura. Gusot-gusot ang kanyang lab gown at may mga mantsa pa ng natuyong dugo.

"So sorry for being late. Just had surgery with a stubborn student." Dumukot siya ng puting panyo mula sa kanyang bulsa at ginamit ito para punasan ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. "He had a metal rod stuck in his abdomen. We had to tie him up because he kept on frantically moving."

"By the way, I won't discuss today." pagbibigay-alam niya.

Ibinalik ko ang mga gamit ko sa bag nang marinig 'yon.

"But I'm giving you a pop quiz."

Muli kong inilabas ang mga gamit ko at ipinatong ito sa desk.

"Or more like a challenge..."

Ipinasok ko na naman ang mga ito sa bag ko.

Ano ba talaga ang gagawin namin ngayon? Kailangan ba ng note-taking?

Sayang kasi eh. Bihira lang akong magka-interes sa klase.

Kaya desidido na akong makinig at magsulat ng notes sa Biology dahil sa mga topics namin na ibang-iba sa tinuturo ng mga ordinaryong eskwelahan, kagaya nalang ng basics sa anatomy ng mythological creatures.

"I have planted four narcissus flowers around the forest. I need it for a medicine I am making. You have to look for it before it dies." Nagsimula nang magbigay ng instructions si Doc. "I'll be pairing the eight of you. Art and Trev, Kara and Chase, Ria and Cal..." Tinignan niya ako. "Cesia and Dio."

Hmm. Mukhang hindi naman ako mahihirapan sa task na'to. Sa pagkakaalam ko kasi, natatagpuan ang mga narcissus flowers sa mga dakong may tubig, at anak ni Poseidon itong makakasama ko.

Inangat ni Doc ang kanyang braso para matignan ang gintong relo niya. "Alright. Time starts now."

Nagsitayuan na kami at magkasabay na lumabas ng classroom. Ngunit sa aming paglabas, ay tumungo kami sa iba't-ibang direksyon.

Sinundan ko lang si Dio hanggang sa makarating kami sa entrada ng kagubatan.

"I'm sensing two bodies of water." aniya. "The nearest lake or river? You choose."

Siningkit ko ang aking mga mata, kunwari'y pinag-iisipan ko ng mabuti yung choices. Malay ko ba kasi kung alin sa dalawang 'yan ang lugar kung saan mas karaniwang tumutubo ang mga narcissus.

"Lake muna."

• • •

"Dio? Malapit na ba tayo?" Sumasakit na yung mga paa ko kakalakad.

Nasa bahagi na kami ngayon ng gubat na ewan ko ba kung bakit, pero kakaiba ang pakiramdam ko dito. Siguro dulot ito ng malamig na ihip ng hangin, at dahil kaunti lang din ang liwanag na sumisilay sa likod ng makakapal na korona ng mga punungkahoy.

"We're almost there, don't worry." Narinig kong sagot ni Dio mula sa unahan. "I didn't think it would be this far, either. Nagkamali ata ako sa pag-calculate ng distance..." Panandaliang bumagal ang kanyang mga hakbang. "-which rarely happens, obviously."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now