XLIX | Overseers

228K 8.7K 2.2K
                                    

Dio's POV

Tinanggal ko ang note na nakadikit sa gilid ng blackboard at binasa ang nakasulat dito.

"Apparently, we'll be overseeing the decoration committees, security... basically the rest of the preparation." Inabot ko ito kay Trev na hindi nag-aksaya ng segundo at agarang nilukot ang papel saka itinapon.

A part of me already expected that to happen so I just gave him a bored look.

"Yo! Dumating na yung files na hiningi natin." Dumiretso si Chase sa teacher's table. "Andito na lahat ng impormasyon tungkol sa mga gagong- este mga nilalang pala na posibleng makakalaban natin."

An illustration immediately caught my attention so I got a hold of it. It depicts a group of human-like creatures. Kaya nakuha nito ang atensyon ko dahil sa pamilyar na mga hitsura nila. As far as I can remember, they were the creatures that welcomed us with spears and poisoned darts.

"Tignan niyo." I leaned over, putting the picture in the middle of the table. "They're included in our list of enemies."

"Terrarians?" Kinuha ito ni Chase sabay fist pump. "Ayos! Panahon na para makabawi tayo. Hindi naman kasi matatawag na fair fight yung nangyari sa'tin kaya madali nila tayong nahuli." Ngumisi siya. "Maibabalik ko na ang reputasyon ko bilang isang anak ni Hermes na walang makakahabol kahit lumilipad na karayom pa 'yan."

Napabuntong-hininga ako saka inilipat ang aking atensyon sa iba't-ibang klase ng dokumento na ipinadala ng office sa classroom namin. "Yeah right. You used your super speed and yet..." puna ko nang hindi sinusulyapan si Chase. "They managed to stick their dart on you."

"Bro naman." Binalibag ni Chase ang litrato sa mesa. "Kaya nga babawi ako, diba? Tsk. Hindi nga patas 'yon eh. Sobrang toxic ng lugar nila kaya't kinulangan tayo ng stamina nang habulin nila tayo."

Tumango-tango ako. "You do have a point."

Kasunod na umiral ang katahimikan sa pagitan naming apat, pagka't abala kaming lahat sa pagbabasa ng files.

Just a while ago, dumaan kami sa office para manghingi ng recent reports of suspicious activities coming from different locations of the realm. I guess they were able to compile a lot because of the Beta class, whose missions include constant research on mythological creatures situated across the globe. They're the ones who keep an eye on the patterns and living conditions of these creatures and submit reports when they notice any changes.

"This is a lot more than I anticipated." I uttered wearily. But then again, we needed these so we can have an idea about what kind of enemies we are to face head-on.

It was after an hour or so that I heard Ria's voice. Nabigla nga ako dahil nasa likuran ko na pala siya, kasama sina Art, Cesia at Kara.

"You see, girls? This is why a spa is important."

Nakakunot ang aking noo nang lingunin ko sila. "How long have you been standing there?"

"I mean look at their faces." Ria added. "It screams stress, not peace of mind."

I wasn't sure of what I heard. "Are you... are you referring to our faces?"

"At saan naman kayo galing? Bakit ang tagal niyong dumating?" tanong ni Chase.

Umangat ang isang kilay ni Ria. "And you give a damn because?"

Alam na alam ko na ang susunod na mangyayari kapag hindi ako sisingit sa pag-uusap nung dalawa kaya inalok ko na silang lahat na magsiupuan.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon