XXXV | Maps

241K 10.2K 6.6K
                                    

Cesia's POV

Tinusok ni Ria ang isang piraso ng pork chop sa plato niya. "Excuse me. Kailan pa naging wild ang mga probinsyana?"

Kinuwento ni Chase ang nangyari sa mission nila, at hindi niya kinalimutang ibahagi sa'min ang pagkadismaya niya dahil wala siyang nakitang chix. Mga forest nymphs lang daw ang nakasalubong nila. Ayaw niya rin naman sa mga Terrarians at Arcadians dahil hindi niya tipo ang mga nilalang na mukhang... alien.

Siya na mismo ang nakapagsabi n'on ah.

"Eh diba Ria... galing ka rin naman sa probinsya?" tanong ni Art.

"Well yeah." sagot ni Ria. "But like, iba ako eh. I'm a daughter of Ares-" Sandali siyang natahimik. "Art? Sinasabi mo bang wild ako?"

Nanlaki ang mga mata ni Art. Kumurap-kurap siya atsaka nilingon si Cal na mapayapang kumakain sa tabi niya. "Ano yun Cal? Gusto mong bumili ng dessert? Amazing with a zee!" Hinatak niya si Cal patayo.

Hiningi muna ni Art ang ID ni Chase bago kinaladkad si Cal papaalis sa circular bench na kinakainan namin. Ideya rin naman niya na kumain kami dito sa campus park dahil bihira lang daw silang pumupunta dito.

Kaya heto kami ngayon, nagkukuwentuhan.

Hindi ko pinapahalata, pero yung puso ko, tuwang-tuwa dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Yung may mga kasama akong lumabas para kumain, o di kaya'y gumala. Gusto kong tumalon-talon sa saya pero pinipigilan ko lang yung sarili ko.

Nung sinabi ko kasing wala akong mga kaibigan, totoo 'yon. Dahil lahat sila, hindi nagtatagal. Maaga akong namulat sa katotohanang hindi lahat ng mga taong gustong makasama ka, ay gusto ring makita kang masaya.

Nakakagaan lang sa loob, na pagkatapos ng ilang taon ng panggagamit ng mga itinuring kong kaibigan dati, sa wakas, ay nandito na ako, kasama ang mga taong tunay at walang bahid ng masamang hangarin para sa'kin.

Nakakapanibago...

Napangiti ako habang tinutulak-tulak ang kanin sa plato ko.

Nakakapanibago, pero gusto ko naman ang pagbabagong 'to. Masaya ako.

Naramdaman ko ang isang pares ng mga mata na nakatuon sa'kin. Inangat ko ang aking ulo para tignan si Trev na siyang nagmamay-ari nito.

Nakapatong ang kanyang siko sa mesa at magaang nakadampi sa kanyang bibig ang gilid ng disposable cup na hawak-hawak niya. Nang mapansin ako, ay ibinaba niya ito at muli akong tinignan. This time, kusang-loob niya akong tinitigan, na para bang hinahamon ako sa isang staring contest.

Nanunudyo na may kasamang pagkamangha ang uri ng tingin na pinapadala niya sa'kin.

Ako naman, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Cesia?"

Muntik na akong matumba sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang tawagin ako ni Kara. "Ha? B-Bakit?"

"Art is asking you if you want a slice of the cheesecake."

Saka ko lang namalayan na nakabalik na pala sina Art.

"Umm... sure." Nginitian ko si Art na ginantihan din ako ng isang ngiti. "Okie!" nananabik niyang sabi atsaka nilagyan ng isang slice ang plato ko. "Isa sa abilities ko ang pumili ng desserts. Hihihi. Wag kang mag-alala, masarap 'yan."

"Back to the topic. What did Ariethrusa say?" usisa ni Kara.

"She said not to trust anyone." Si Dio ang sumagot. "And apparently, her brothers and sisters are waking up. We still don't know what that means."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now