XXXVII | Uncertainties

226K 9K 2.5K
                                    

Cesia's POV

"Isipin niyo nalang bro kung anong mangyayari kapag natuluyan nga 'yang babaeng 'yan!" sabay duro ni Chase kay Ria na tahimik na kumakain sa katapat niyang upuan.

Nalilito pa rin ako kung anong ibig sabihin ni Chase.

Ano nga bang meron kung matuluyan nga si Ria? Atsaka, anong tuloy ba ang pinagsasabi nito? Tuluyan nang ma-ano?

"Responsibilidad niya na 'yan." ani Dio. "She knows how to control herself."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

Palihim kong minasdan si Ria. Namamaga yung mga mata niya at gulong-gulo yung buhok niya. Naka-ismid lang siya, at ang nakakapanibago, ay ang kakaibang daloy ng kalungkutan sa hangin na umaaligid sa kanya.

Dahil dito, hindi ko naiwasang maalala ang nasaksihan ko kahapon.

Bitbit ang isang paper bag na may lamang school supplies na kabibili ko lang mula sa mall, naglakad na ako pabalik sa dorm.

Nakangiti ako dahil naisipan ko ring bilhan si Art ng stationery set na Powerpuff Girls ang theme. Siya kasi yung unang pumasok sa isipan ko nang makita ito eh, kaya binili ko nalang para sa kanya.

Pumasok ako sa dorm at nalamang hindi pa nakakabalik yung iba.

Dumiretso ako sa kwarto para makapagbihis. Ipinatong ko ang paper bag sa upuan at sinimulang hubarin yung uniform ko. Pagkatapos hubarin ang vest, niluwagan ko yung necktie ko para sana'y tanggalin ito. Kaso, napatigil ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Dahan-dahang bumaba ang aking mga kamay mula sa pagkakakapit sa leeg ko.

'I hate this life!'

Ria?

'Pagod na ako!'

Dumaan ang ilang segundo at tumahimik ulit.

Lumabas ako at nadatnan yung iba na nasa sala. Natakatayo silang lahat at parehong nakaharap sa balkonahe. Maliban nalang kay Trev na mag-isang nakaupo sa dulo ng sofa at nakahalukipkip, na tila nababagot.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Ibang-iba ang Ria na kilala ko sa Ria na nakita ko kahapon...

Ang sabi ni Art, normal lang 'yon na mangyari kay Ria kasi anak siya ng God of Violence and Bloodshed kaya asahan ko nalang daw na magiging bayolente siya kapag nadala ng matinding stress.

Nakakatakot.

Siguro dahil first time ko siyang nakita na sobrang galit.

Tinanong ko naman si Kara kung anong nangyari at bakit nagkagano'n siya, at ang tanging sagot niya lang ay wag nalang daw kaming mangialam.

Napaisip din ako, kung ako kaya?

Pero hindi naman ako nagwawala ah. Ang galing ko ngang itago yung nararamdaman ko kung sakaling may bumabagabag sa'kin. Minsan, kapag hindi ko na talaga kaya at kailangan kong mailabas yung stress...

Kumakain ako.

Mambubulabog ako hindi para mag-umpisa ng gulo, kundi para magtanong kung saan ako makakahanap ng makakain.

"Pero may point naman si Chase ih..." ani Art. Agad niya namang binawi yung sinabi niya nang makatanggap siya ng nanunumbat na tingin mula kay Kara.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now