XLII | God of Connections

231K 10.1K 3K
                                    

Chase's POV

"The council plans for a movement." narinig kong sambit ni Sir Glen nang pihitin ko ang knob para tuluyan na nga kaming makalabas ng opisinaniya.

"Una na ako bro..." paalam ko kay Cal at dumiretso sa dorm.

Ilang segundo lang ang kinailangan ko para makarating sa dorm. Natagpuan ko ang ibang Alphas- maliban kina Art at Cesia, sa sala at tila seryoso ang pinag-uusapan kaya tumabi ako kay Dio para sumali sa kanila.

Napatigil naman sila nang mapansin ako. Nanatili silang nakatitig sa'kin, naghihintay ng balita galing sa... kataastaasan.

"Guess what." Ipinatong ko ang aking mga paa sa mesa.

"Spill it Chase. Nakakainis na talaga 'yang 'Guess what' mo." naiiritang sabi ni Ria.

"Nga pala, asan sina Art at Cesia? Wala pa rin?"

"Tsk. Di mo alam?"

Sinamaan ko ng tingin si Ria. Sagutin pa naman ako ng tanong? "Ria, magtatanong ba ako kung alam ko?"

"We don't want them to know yet." ani Kara.

"Ah..." Pinatakbo ko ang aking palad sa buhok ko sabay tawa. Grabe. "We have less than a month at wala pa rin kayong plano na sabihan sila sa mangyayari? Galing ah." Sinigurado kong mapapansin nila ang panunuya sa boses ko.

May karapatan naman kasi silang malaman lahat ng nalalaman namin. Alphas din naman sila diba?

Napabuntong-hininga si Dio. "Chase, you know we shouldn't-"

"Shouldn't what?" Umangat ang kilay ko. "Shouldn't stress them out?"

Walang nagsalita sa kanila kaya't natagpuan ko ang aking sarili na namamangha sa katahimikan.

"Bakit ba kasi wala kayong tiwala sa kanila? Alam niyo naman siguro kung anong magiging reaksyon nila pag nalaman nilang may tinatago tayo sa kanila diba?" Sunod-sunod ang mga katanungan ko. "Kara? Trev? Ano na?"

"Bakit pakiramdam ko ako lang ata ang nag-iisip dito?" Natutuwa kong sabi. "Baka totoo nga yung sinabi ni Art na nakahithit kayo ng ambrosia-"

"Chase. You know full well what's gonna happen when we let them join us." Nambabanta ang tinig ni Kara pero hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting kaba.

"Walang kwenta kung hindi natin sila isasali." sambit ko. "Malalaman at malalaman pa rin nila ang magaganap sa Academy."

"May plano na kami para mailayo sila mula rito." Humugot ng hangin si Ria. "A school trip." Ipinagdaop niya ang kanyang palad. "Or a mission, just for the two of them."

Kumibit-balikat ako. "Kayo bahala."

Ayokong makipagdebate sa kanila. Pagod na akong mag-alala. Ilang gabi na akong walang tulog. Kailangan ko ng break. Kailangan ko ng handsome sleep. Kailangan ko ng inuman!

"May pinapahanap ang council na blueprints. Blueprints ng isang machine." Ibinahagi ko sa kanila ang pinag-usapan namin sa meeting kanina. "Yun rin daw kasi ang hinahanap ng mga kalaban. Kaya dapat mapasakamay kaagad natin 'to."

"Isa ata sa mga machines ni Theosese ang tinutukoy nila. Wala na akong ibang maisip eh." Kumibit-balikat ako. "Yung may kakayahang mag-imitate ng abilities."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now