XXXVI | Anxious

240K 10.1K 1.8K
                                    

Ria's POV

"May paparating... makapangyarihan." Nanginginig ang dalawang kamay ni Kaye na nakahawak sa tasang nakatapat sa kanyang bibig. "H-Hindi ko alam kung sino pero alam kong patungo na sila dito."

Tinignan niya ako. "Galit sila sa mga deities. Galit na galit."

Nagkasalubong ang aking kilay. "Do you know why?"

Umiling siya.

I sighed. "So you're telling us, there are a lot of creatures on their way here? And they're responsible of the attack that happened?"

Binaba niya ang tasa habang tumatango-tango.

Nagtinginan kami ni Kara.

"How much time do you think we have left?" tanong niya kay Kaye na nakaupo sa katapat naming upuan. Pumagitna sa'min ang isang kuwadradong dining table, na kayang mag-accommodate ng dalawa hanggang apat na katao lang.

Mas maliit kasi ang dorm rooms ng mga Gamma at Beta pagka't dalawa lang silang nakalaan sa iisang room. Well, except the chief wardens. They have their own quarters, like the Alphas', located inside the sacred grounds. By sacred grounds, I mean the part of the Academy, just behind the campus park, where the temples of the gods and goddesses are found. Sila ang nangunguna sa pagpapangalaga ng mga templo kaya karapat-dapat lang na manirahan sila malapit dito. It's also their responsibility to make sure that the Academy is in good terms with the deities by ensuring daily offerings, prayers, and stuffs like that.

"Before the month ends." sagot ni Kaye.

"Shit." I mumbled under my breath. "Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo?"

"I could tell just by looking at the rays of the sun, Ria." aniya. "Pero kung gusto mo talagang malaman kung totoo nga yung vision ko, pwede naman tayong maghintay na magkatotoo ito."

"Maghintay? Na may mangyaring masama sa'tin?" I scoffed. "No way."

"Excuse us." Tumayo si Kara. "The others might have sensed our absence already."

Tumayo na rin ako at tinanguan si Kaye bilang paalam.

Lumabas na kami at tumungo pabalik sa dorm namin.

What Kaye told us wasn't a warning. It was a prediction of what's going to happen before this month ends.

"What do you think?" tanong ko kay Kara habang naglalakad kami sa corridors. "Something's telling me that the council already knows about this. 'Yon nga lang, hindi pa sila kumikilos."

"I don't know."

What she replied caught me off guard. Madalas ko nang naririnig ang mga 'I don't know's niya. Wala naman akong problema dito, but it's just not something that you always hear from her.

"The school..." Bakas sa kanyang boses ang pangangamba dahilan na mapahinto na nga ako. "The students... the staff... we can't protect all of them."

Tama ba itong naririnig ko? Na kinatatakutan niya ang mangyayari?

"Why would a person like you get nervous?" Sa totoo lang, pati ako ay kinakabahan na rin dahil sa pinagsasabi niya. "Kara, malalampasan natin ang kung ano mang paparating."

"How'd you know that?" She said, while wearing a stern look. "Kaye didn't say something about the aftermath of her vision."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now