IX | The Swan

356K 14.2K 5.2K
                                    

Cesia's POV

Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway kasama yung girls. Kulang nalang matunaw ako dito dahil sa mga titig ng ibang estudyante sa'kin.

"Pardon us if our students are making you uncomfortable." sambit ni Kara. "They tend to stare a lot. You'll get used to it."

"I don't blame them though." sabi naman ni Ria. "I mean, sino bang hindi mapapatitig sa babaeng 'to?" Marahan niya akong tinulak. "Your deity is a proud one. Don't let her see you like that."

"Baka nakalimutan nyo rin ano?" Binilisan ni Art ang kanyang mga hakbang at inunahan kami. Umikot siya kaya nakaharap siya sa'min ngayon habang naglalakad paatras. "Ang amazing kaya ng transformation mo! Maganda ka na nga pagpasok mo dito pero pagkatapos ng claiming ceremony, hindi ko aakalain na may mas ikagaganda ka pa!"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you, Art."

"Amazing with a zeee!!" Umikot-ikot siya.

"Can you not spin around like that? Kalalabas mo lang sa clinic!" Sinaway siya ni Ria pero hindi pa rin siya humihinto. "You'll get dizzy and-"

"Bakit? Nahihilo din ba yung sugat ko?"

Siguro nga, magiging okay rin ako dito. Ang bilis kasi ng transition na nangyari sa'kin, at nahihirapan pa rin akong mag-adjust. Pero yung presensya nila, ay sapat na para pagaanin ang pakiramdam ko. At least may mga kasama ako na handa akong tulungan, sinasagot ang bawat katanungan ko... at pinaparamdam sa'kin na kabilang talaga ako sa kanila...

na kabilang ako sa mundong 'to...

Naubusan na ako ng ideya kung ano ang mangyayari sa'kin pagkatapos akong mapadpad sa lugar na'to. Naglaho na lahat ng mga plano ko para sa sarili nang malaman kong, may iba pa palang realidad na nakaabang sa'kin.

Pinili kong mamulat sa katotohanan, kahit mahirap itong paniwalaan. Kaya tadhana na ang bahala, kung ano talaga yung destinasyon ko.

Dahil kung tutuusin, sino ba naman ako para baguhin ito?

Nakarating na kami sa dorm. Napagdesisyunan naming tatlo nina Kara at Ria na magbihis nalang din since binura naman ni Sir Rio ang afternoon subjects namin sa araw na'to.

"So pwede palang i-cancel ng mga teachers nila yung ibang subjects..." bulong ko pagkapasok ko ng kwarto. Hinubad ko ang aking uniform at nagpalit ng pastel pink na romper.

Lumabas na ako saka nakita si Art na nanonood ng TV. Si Ria, nakatayo sa tabi ng telephone stand, nago-order ata ng pagkain na ipapadeliver sa dorm. Kasunod kong hinanap si Kara. Natagpuan ko siya na nasa balcony, nakaupo at nagbabasa ng libro.

Anak nga ni Athena...

Bumukas yung pinto at una kong nakita si Chase na siyang nagbukas nito. "Nakakagutom mga bro-" Huminto siya nang makita kami. "Nakabihis na pala kayo. Ibig sabihin, kanina pa kayo dito?"

"Kararating lang din namin." sagot ko.

"I already ordered food." Binaba ni Ria ang telepono. Nakapameywang siya habang nakaharap sa kanila. "Sa'n kayo galing?"

Bago pa may makasagot sa kanila, binawi ito ni Ria.

"You know what, I don't even care anymore." Bumagsak siya sa tabi ni Art. "It's not my business."

"A slip of the tongue there, Ria." sabi ni Dio. "For a second, I thought that maybe, you really do care about the four us."

"Sorry for spilling the truth, pero nakakaumay na kaya yang pagmumukha n'yo." Inirapan sila ni Ria bago niya agawin mula kay Art yung remote.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now