Chapter 3

21.2K 380 37
                                    

ZEPHRINE'S POV:

Pagkamulat ko ng mga mata ko, agad kong inilibot ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan ko. Naramdaman ko na lang na nakatali ng mahigpit ang mga kamay at paa ko. Sinubukan kong alisin ang pagkakatali sa akin pero hindi ko magawa.

Napaangat ang ulo ko nang makarinig ng mga yabag na papalapit sa silid na kinaroroonan ko. Bumukas ito at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Lurch.

"Gising ka na pala, Zephrine. Sorry at kailangan pa kitang surpresahin ha? Sabi ko naman sayo, di ba? Hahanapin pa rin kita kahit anong mangyari at sa oras na mahanap kita, hindi na kita papakawalan pa."

Napakuyom ang mga kamao ko sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na manatili na naman akong nasa kamay niya. Gagaling ko ang lahat makaalis lang sa impyernong to. Hindi ko matitiis na makasama pa ulit ang walang hiyang si Lurch. Tinignan ko lang siya ng masama dahil hindi ako makapagsalita gawa ng tape na nasa bibig ko. 

"Naaalala mo pa ba yung gabing iniwan mo ko ng biglaan? Nasasaktan man kita noon pero eto ang sasabihin ko sayo, Zephrine. Totoong minahal kita at mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Sobra akong nasaktan nang magising na lang ako na wala ka sa tabi ko." Halata sa boses niya na nasasaktan siya. Nakita ko rin na nakakuyom ang mga kamay niya.

Minahal niya ko? Kalokohan. Hinding-hindi ako maniniwala sa kanya. Minahal niya ako pero sinasasaktan niya ako? Anong klaseng pagmamahal yun?! Kahit ano pang sabihin niya, hindi na ako maniniwala sa kanya.

"Nagsisisi ako sa mga nagawa kong pananakit sayo. Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ka sakin. Pero ang mahalaga ngayon, magkasama na ulit tayo ngayon at akin ka na ulit." Lalo akong nakaramdam ng takot sa mga binitawan niyang salita. Ano na bang nangyayari sa kanta? Nasaan na ang dating Lurch na nakilala ko?

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Yumuko siya para magkapantay kaming dalawa at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang bigla na lang akong makaramdam ng kakaiba nang lumapat ang labi niya sa pisngi ko. Hindi! Hindi ko na siya mahal.

"Goodbye, love." 

LURCH'S POV:

Hindi talaga ako makapaniwalang nasa tabi ko na ulit si Zephrine. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Aaminin kong sobra akong nasaktan nang makita kong wala si Zephrine sa tabi ko. Sinubukan kong itago ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina habang kaharap ko siya. Ayokong ipakita sa kanyang nasasaktan ako.

Nagising na lang ako na wala si Zephrine sa tabi ko. Ayoko sanang isipin na iniwan niya ako pero yun ang palaging naglalaro sa utak ko. Alam kong hindi magagawa ni Zephrine yun sa akin.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Bumangon na ako at hinanap siya sa bahay pero hindi ko makita kahit anino niya. Hindi! Hindi niya ako iniwan. Kinuha ko kaagad sa phone ko at tinext siya. Alam kong dadating din ang araw na magkakasama ulit kami, sa ayaw at sa gusto niya.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now