Chapter 7

15.9K 237 11
                                    

ZEPHRINE’S POV:

Ilang araw na simula nang umiyak sa harapan ko mismo si Lurch at pagtapos nun hindi na niya ulit ako kinausap. Ni hindi ko na rin siya nakikitang dumadalaw sa akin dito. Ayoko na sa lugar na to! Ilang linggo na akong nakakulong sa lintik na kwartong to. Gusto ko na ulit makita si Lurch. Ano na nangyari sa kanya?

Narinig kong bumukasa ang pinto at hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino yun. Alam ko naming hindi si Lurch yun. Lumapit sa akin ang doctor at nginitian ako kaya inirapan ko na lang siya.

“Makakauwi ka na, Ms. Castillo. Based sa mga test na ginawa naming sayo, okay na ang kalagayan mo. Kailangan mo na lang magpahinga para sa full recovery mo.” Nakangiti pa ring sabi sa akin ng doctor. Inabot ko ang cellphone ko at denial ang number ni Spade.

“H-hello, S-spade.”

“Oh, Zephrine. Ikaw pala? Kamusta na? Okay ka na daw ba? Kailan ka makakalabas diyan? Namimiss ka na namin. B-busy kasi kami kaya hindi kami nakadalaw diyan.”

“Okay lang. Ayos na daw ang kondisyon ko. Pwede na raw akong makalabas ngayong hapon. N-namimiss ko na rin kayo.” Naramdaman ko na namang nangingilid ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. “U-uhm, S-spade? P-pwede mo ba akong sunduin dito?”

“Of course! Tamang-tama, kakatapos lang namin. Wait for me, okay? Papunta na ako.”

Ibinaba ko na ang tawag at naghintay kay Spade. Almost 30 minutes din bago siya makarating dito. Niyakap ko kaagad siya pagkakita ko sa kanya at hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako.

“Okay ka lang ba, Zeph?” Pagtatanong ni Spade habang hinahaplos haplos ang likuran ko at pinpatahan ako. Niyaya ko na siyang umalis dahil gusto ko na talagang makita at makausap si Lurch.

Pagdating naming sa bahay, bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha nina Ross, Jethro at Pierre. Tinulungan nila akong ipasok ang mga gamit ko. Inilibot ko ang mga mata ko at hinanap si Lurch. Wala siya. Nasaan naman kaya siya?

“Wala si Lurch.” Halos bumulong na si Pierre nang sinabi niya yun. Malungkot akong napatingin sa kanya at naghihintay sa susunod niyang sasabihin pero umiling-iling lang siya.

Napatingala ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko at dali-daling tumakbo paakyat sa kwarto naming ni Lurch. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Lurch na nakahiga sa kama at nakatulala lang sa kawalan.

Tumulo na ang luha ko habang tinitignan si Lurch na para bang walang kabuhay-buhay.

“L-lurch?” Tawag ko sa pangalan niya at para siyang nabalik sa realidad. Napabalikwas siya sa pagkakahiga at lumingon sa akin. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Amoy alak pero hindi ko na lang pinansin. Nakita kong tumulo na naman ang luha niya habang nakatingin sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinaplos ang magkabilang pisngi niya. “Sshh…Wag ka na umiyak, Lurch. Please? M-masakit para sakin na nakikita kang ganito e. Tahan na. Nandito na ako oh, hindi na kita iiwan ulit.”

“Mahal na mahal kita, Zephrine. Wag ka na ulit aalis, ah? Wag mo na akong  iiwan. Di ko nakakayanin. Hindi na.”

“Hindi na, okay? Hindi na ako aalis. Dito na ulit ako sa tabi mo. Magpahinga ka na muna.” Pinahiga ko na muna siya at tinabihan hanggang sa makatulog siya. Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog niya, lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila Jethro na malungkot na nakatingin sa akin.

“Zephrine…” Tawag ni Jethro sa akin at saka napayuko. “S-sorry pero kailangan mo ulit umalis at iwan si Lurch.”

“H-ha? B-bakit? Hindi. Hindi na ako aalis. Dito na ulit ako. Ano bang pinagsasasabi mo, Jethro?” Mangiyak-ngiyak ko na naman sabi.  Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Nangako na ako kay Lurch na hindi na ulit ako aalis sa tabi niya. Baka hindi lang yan ang maabutan ko oras na umalis ulit ako.

 “Zeph, kailangan mong mag-rehab. Tumawag sa amin ang doctor mo, sinabi niyang kailangan mo yun. Kailangan mo ulit iwan si Lurch, okay? Para sayo rin to. Please naman, Zephrine. Sa Friday na ang alis mo.”

Umiling-iling lang ako at tumakbo sa kabilang kwarto. Inilock ko yun at saka umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 

 *

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Ayoko sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. Gusto ko na lang umuwi. Gusto ko nasa tabi ko lang si Lurch. Ayoko dito! Kakahatid lang sa akin nina Spade at mag-isa na lang ako ngayong palakad-lakad dito. Bakit ba nandito ako sa lugar na to? Hindi ko naman kailangan ng kahit anong therapy.

 Nang matunton ko ang opisina ng doctor, hindi na ako nag-abala pang kumatok at dali-daling pumasok. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti na para bang kanina niya pa ako hinihintay.

“So, you’re Donna Zephrine Castillo?” Nakangiting tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Ayokong magsalita dahil parang oras na magsalita ako, bigla na lang tutulo ang mga luha ko. “Okay, it looks like you’ll be here for at least 3 months or more.”

 “What?! No, ayokong makulong sa lugar na to ng ganun katagal. Ibalik niyo na lang ako kay Lurch! Ayoko dito.” Hindi na ako nakapagpigil ng sarili nang marinig ko ang sinabi niya. Naramdaman ko na rin tumulo na ang mga luha ko.

“Oh calm down, Ms. Castillo. Sa ganyang ugali, baka lalong tumagal ang pag-stay mo ditto. So, you need to behave. Para sayo rin to. Anyways, pwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit ka depressed?” Nakangiti pa rin siya habang nagtatanong. Hindi agad ako sumagot at kinalma ang sarili ko. Bumuntong hininga ako at nagsimula ng magkwento.

“Bata pa lang ako, puro sakit at paghihirap na ang nararanasan ko. Namatay ang mga magulang ko when I was six. Kinupkop ako ng tiyahin ko pero hindi para alagaan. Kinupkop niya ako para maging alipin niya. Walang araw na hindi niya ako sinasaktan. Sobrang hirap ng sinapit ko sa kamay niya pero tiniis ko lahat ng yon. Pero tao lang ako, napupuno din. Tumakas ako sa puder niya. Nagpalaboy laboy hanggang sa makilala ko si Lurch. Inalagaan niya ako, minahal. Lahat binigay niya sa akin p-pero hindi ko akalain na dadating ang araw na sasaktan niya rin ako. Hindi lang physically, kundi pati e-emotionally.”  Naiyak na ako habang sinasabi ko sa kanya ang mapait kong nakaraan. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng susunod kong sasabihin. “Kahit na sumailalim ako sa theraphy niyo at ikulong sa lugar na to, trust me. I still won’t get better. You just don’t fcking understand me!”

“You might have to stay here longer, Ms. Castillo.” Sabi sa akin ng doctor at lumabas ng opisina niya. Naiwan ako ditong mag-isa at iyak ng iyak.  Ayoko na sa ganitong buhay. Pagod na pagod na ako. Sawang-sawa na akong umiyak, masaktan. Sana matapos na lahat ng paghihirap ko.

 ______________________________________

Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now