Chapter 10

11.9K 204 6
                                    

ZEPHRINE'S POV:

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko habang inaabot ang cellphone sa side table ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag at parang nawala naman ang antok ko nang makita kong si Spade pala.

Matagal na rin simula nung huli naming pag-uusap. Kumusta naman kaya? Ano kayang meron at bigla siyang napatawag ng ganito kaaga?

“Hello?” Bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag. Naririnig ko ang bawat paghinga niya na para bang may hindi magandang nangyayari kaya bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Zeph! W-we need you. L-lurch needs you... S-something bad happened..." Walang pasubaling sabi niya kaagad. Halos mangiyak-ngiyak na ang boses niya habang sinasabi ng mga yan sa kabilang linya.

“W-what? What h-happened to him? W-where is he?” Dahil sa narinig kong yun, bigla na lang akong nataranta at napabangon sa kama. Nanginginig na rin ang kamay ko. Anong nangyari? “Fvck! Spade, magsalita ka naman. N-nasaan kayo? A-anong nangyari sa kanya?” Hindi ko na naiwasang hindi sumigaw nang hindi nagsalita si Spade at puro malalim na paghinga lagn ang naririnig ko sa kabilang linya. Naiiyak na rin ako.

Aaminin ko, hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Lurch. Hinding-hindi ko na ata siya maaalis sa sistema ko.

“H-hindi ko alam, Z-zephrine. N-nakakulong siya maghapon sa k-kwarto niya. T-tinatawag naming siya pero h-hindi siya sumasagot. B-baka ano na ang g-ginawa niya. P-pumunta ka na dito, please…”

“Okay, okay! Just…just wait for me, ayt? T-tignan tignan niyo lang. I’ll be there in a minute. I’m on my way. God! W-wait for me. Tell him, d-don’t do anything stupid.” Natataranta na talaga ako. Tumayo na ako sa pagkakahiga at hindi ibinaba na ang tawag. Naghilamos lang ako at nagbihis at agad na tumakbo pababa papunta sa kotse ko. Shit ka, Lurch! Ano bang ginagawa mo? Gustong-gusto mo talagang pinapahirapan ako.

Sana naman walang nangyaring masama sa kanya. 

*

Laking pasasalamat ko at nakarating ako ng ligtas dito sa bahay nila. Habang nagmamaneho ako papunta rito, punung-puno na ng luha ang mukha ko at nanginginig pa ang buong katawan ko sa sobrang takot kakaisip ng kung ano ba talagang nangyari kay Lurch.

Bumaba kaagad ako ng sasakyan ko at dali-daling pumasok. Bumungad sa akin sina Spade, Pierre at Ross. Nakatingin lang sila sa akin ng diretso. Napaawang ang bibig ko at magsasalita sana nang bigla silang mag-iwas ng tingin at yumuko.

“Fvck! N-nasaan si Lurch? Tell me.” Sigaw ko sa kanila pero parang wala silang naririnig at nakayuko lang. Napatingin ako sa hagdan at akmang tatalikuran na sila nang bigla kong makita si Jethro at pinigilan ako.

“Zephrine.” 

“Ano bang problema?! Jeth, sabihin niyo naman sakin oh. Anong nangyari sa kanya? Nasaan na si Lurch?!” Tumutulo na ang mga luha ko habang tinatanong ko si Jethro pero tulad nina Spade, hindi siya sumagot at napayuko lang. Itinaboy ko ang kamay niyang nakakapit sa braso ko at tumakbo na paakyat sa kwarto ni Lurch.

Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin. Dumire-diretso lang ako dahil kailangan ako ni Lurch sa oras na to. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman na walang nangyaring masama sa kanya.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Mabuti na lang at hanggang ngayon nasa akin pa ang susi nito. Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang parang wala sa sariling si Lurch. Nakahiga lang siya sa kama at nakatulala sa kawalan. Anong nangyari sa kanya? Bakit ganito ang lagay niya?

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Spade.

“Sabihin niyo nga sakin, ano ba talagang nangyari sa kanya? B-bakit ganito?” Napagtaasan ko na sila ng boses. Para na akong mawawala sa katinuan. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Gulung-gulo na ako.  

“Zeph, ilang linggo na siyang ganyan. Palaging nakakulong sa kwarto, palaging tulala. Bibihira niya lang galawin ang mga pagkaing binibigay naming sa kanya. Kung lalabas man siya, hindi naming siya nakakausap ng maayos. Palagi pang lasing.” Pagpapaliwanag sa akin ni Pierre. Ibinalik ko ang tingin ko kay Lurch at pinagmasdan siya. Para siyang zombie. Ang itim na ng ilalim ng mga mata niya, medyo mahaba na ang buhok niya at ang laki na rin ng ipinayat niya.

“Sorry kung hindi naming sinabi kaagad sayo. Alam naman naming iniiwasan mo ang kahit anong usapin tungkol sa kanya, kaya nga pati kami iniiwasan mong kausapin. Pero sorry kung hindi naming sinabi sayo ang totoo.” Nakayukong sabi sa akin ni Spade.

 “Alam niyo bang halos atakihin na ako sa puso dahil sa sinabi niyong may masamang nangyari sa kanya?! Laking pasasalamat ko nga at nakarating ako ng buhay dito sa bahay niyo e. Alam niyo bang halos paliparin ko na ang sasakyan ko makapunta lang kaagad dito?! T-tapos ganito?!” Sigaw ko sa kanila habang umiiyak. Naninikip na ang dibdib ko. Halos pigilin ko na ang hininga ko kanina sa sobrang takot at kaba tapos ganito?Hindi naman pala totoong may nangyaring masama sa kanya?!

 “Zeph, hindi lang namin alam kung anong gagawin naming sa kanya. Kahit kami, hindi niya kinakausap. Alam naming ikaw lang ang makakapagpabalik sa kanya sa dati.” Napapailing na lang ako sa mga sinasabi nila. Ewan ko na. Hindi ko na alam. Ang gulo na ng lahat para sakin.

“Simula nang maghiwalay ulit kayo, nagkaganyan na siya. Kulang na lang patayin na niya sarili niya. Gabi-gabi siyang umiiyak diyan sa loob ng kwarto niya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili niya dahil sa mga nangyari sayo, Zephrine. Nasasaktan din naman kami para sa kalagayan niya. Please naman, Zephrine.” Matapos sabihin yan sa akin ni Ross, tinalikuran na niya ako at umalis kaya napayuko na lang ako. Hindi ako alam. Ewan ko.

“Bakit? Hindi ba’t masaya na siya sa iba? P-para saan pa kung babalik ako, di ba?”

 Para saan pa? May iba ng babae sa buhay niya. Ayoko ipagpilitan ang sarili ko sa taong masaya na sa piling ng iba.

“Zephrine naman! Sa kalagayan niyang yan, sa tingin mo ba masaya siya sa piling ng iba? Sa tingin mo ba, magkakaganyan siya kung hindi ka na niya mahal? Walang iba, Zephrine.”

Napatingin kaagad ako kay Pierre dahil sa sinabi niya. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at tumalikod na rin sa akin. Sumunod sa kanya sina Spade at Jethro kaya naman naiwan na lang ako dito mag-isa at umiiyak.

Napaluhod na lang ako. Buong akala ko, maayos na ang lahat. Bakit ganito? Nahihirapan ako lalo. Iyak lang ako ng iyak habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Z-zephrine..."

------------------------------------------

Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now