Chapter 28

6.2K 94 7
                                    

LURCH'S POV:

Sinigurado ko munang nakaalis na maayos sina Jethro at ang anak ko bago pa man ako bumalik sa loob ng gusali para magpatuloy sa paghahanap kay Zephrine. Hinding-hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap sa lugar na to!

Pinapuntahan ko lahat ng silid na makikita ko sa bawat palapag ng gusali. Nagbabaka sakaling makikita ko na siya pero wala pa rin hanggang sa makarating ako sa pinakataas na palapag ng gusali. Inisa-isa ko ang mga silid dun at napatigil ako sa tapat ng isang kwarto. 

Sinubukan ko itong buksan pero nakalock. 

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung may tao ba sa loob o wala. Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga pag-iyak at pag-ungol sa loob ng silid. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko nang marinig ko ang mga pamilyar na boses na yun.

Napakuyom ang mga kamao ko at pinaghahampas ang pinto.

“ZEPHRINE! GOD, ZEPHRINE! I’M SO SORRY. HAYOP KA MATTHEW! LAYUAN MO SIYA!” Sunud-sunod kong sigaw habang pinaghahampas ang pintong yun. Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang galit habang naririnig ko ang pagmamakaawa ni Zephrine sa hayop na lalaking yun.

Ginawa ko na lahat ng makakaya ko hanggang sa mabuksan ko ito. Agad na nag-alab ng galit ko nang makita ko si Matthew na walang awang binababoy si Zephrine. Pakiramdam ko wasak na wasak na ang puso ko sa nakikita ko.

Si Zephrine.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ibinaling ko ang paningin ko kay Matthew na nakatayo na ngayon sa gilid habang nakangisi sa akin. Hayop kang demonyo ka! Agad ko siyang sinugod at pinaulanan ng mga suntok hanggang sa mapuno na ng dugo ang buong pagmumukha niya.

Hindi ako magdadalawang-isip na patayin itong lalaking to! Hayop siya!

“L-lurch…”

Napatigil ako sa pagsuntok sa lalaking ito nang marinig ko ang pagtawag ni Zephrine. Binigyan ko ng isa pang suntok si Matthew bago lapitan si Zephrine. Hinubad ko ang jacket na suot-suot ko at ipinasuot iyon sa kanya. Hindi ko kayang nasa ganitong siyang kalagayan. Oo, madalas ko siyang nasasaktan noon pero kahit kailan ay hindi humantong sa ganito.

Tuluy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko habang inaayos ko ang pagkakasuot ng jacket ko sa kanya. Nanginginig ang buong sistema ko sa sobrang galit. Mahigpit kong ikinulong sa bisig ko si Zephrine at hinalik-halikan sa noo.

“I-I’m so s-sorry. Z-zephrine, s-sorry.” Basag na basag ang boses ko habang binubulong ko ang mga salitang iyon sa kanya. Hinawi ko ang buhok na nakakalat sa mukha niya. Nakita ko siyang ngumiti sa akin kaya’t lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Bubuhatin ko n asana siya para makaalis na kami sa lugar na iyon nang makarinig ako ng mgga yabag na papunta sa kinaroroonan naming. Humigpit lalo ang yakap ko sa kanya nang makita ko ang isang grupo ng lalaking pumasok sa loob ng silid.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now