Chapter 22

6.4K 101 3
                                    

ZEPHRINE’S POV:

Since that incident happened, everything changed. 

Hindi na ulit nagpakita sa amin ni Ayesha si Lurch. Nag-aalala tuloy ako dahil baka maulit yung ginawa niya noon na halos patayin na niya ang sarili niya. And I can’t afford to be the reason why he’s being like that. Siya pa rin naman ang ama ni Ayesha at ipapaalam ko naman sa anak ko yun once na handa na ako.

She deserves to know everything about his dad.

Si Matthew naman bigla na lang naging malamig ang pakisasama sa amin lalo na sa anak ko. He’s not the same Matthew I’ve met three years ago. Unti-unting nawala yung Matthew na mahinahon, malambing at palabiro. Nawawalan na siya ng oras sa amin at palaging mainit ang ulo niya. There were times na umuuwi na siya ng madaling araw at lasing na lasing. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Everytime na tatanungin ko siya kung may problema ba siya, nagkikibit balikat lang siya sa akin o kaya naman ay hindi ako papansinin na para bang hindi ako nag-eexist.  

Si Ayesha naman naging matamlay. Palagi lang siyang nakakulong sa kwarto at umiiyak. She’s always looking for Lurch. She wants to be with him pero wala naman akong magawa dahil kahit ako mismo, hindi ko alam kung nasaan na si Lurch. 

Hindi pa ako handing nakaharap ulit siya. Gulong-gulo pa ang utak ko sa mga nangyayari sa amin.

Dumidilim na at malapit na mag-gabi, nandito ako sa veranda para magpahangin. Gusto kong mapag-isa at makapag-isip isip dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung bakit nangyayari tong mga to sa amin ng anak ko. 

Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin at hindi ko na lang pinansin dahil alam ko namang si Matthew iyon. Tulad ng dati niyang ginagwa, naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko kaya hinayaan ko na lang siya. Si Matthew yung tipo ng lalaki na mahilig maglambing. 

Kinilabutan ako nang bigla kong maramdaman ang mga labi niya sa leeg ko. Lumayo ako ng konti sa kanya pero naramdaman kong humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa akin dahilan para malapit lalo ang katawan naming sa isa’t isa. Ramdam na ramdam ko ang dibdib niya sa likuran ko.

“I love you, Zephrine…” Bulong niya at hinalikan ulit ang leeg ko. Nakaramdam ako ng pagkabog ng dibdib dahil sa ginagawa niya kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap niya.

 “Matt, you’re drunk. Magpahinga ka na.”

“No, I’m not drunk!” Medyo napataas ang boses niya nang sabihin iyon at hinila ulit ako papalapit sa kanya pero lumayo kaagad ako. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at nasalubong ko ang malalamig niyang tingin kaya napayuko kaagad ako.

I don’t know what’s happening to him. Sa loob ng tatlong taong pagsasama naming dalawa, kahit kailan ay hindi niya ako nagagawang pagtaasan ng boses dahil palagi siyang mahinahon sa lahat ng oras. Kahit kailan, hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayoko.

Parang hindi si Matthew ang lalaking kaharap ko ngayon.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now