Chapter 14

9.7K 143 10
                                    

ZEPHRINE’S POV:

“Gustong-gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ako kaswerte dahil ako ang minahal ng isang, Donna Zephrine Castillo. Dahil sa kabila ng mga kagaguhang nagawa ko, tinanggap mo pa rin ako ng buong-buo. Gusto kong malaman nila na wala na akong ibang hihilingin pa, na ikaw lang ang nag-iisang babaeng mahal at mamahalin ko. I love you, Zephrine. So much.” Bulong sa akin ni Lurch habang magkayakap kami at saka ako hinalikan sa noo.

“I love you more, Lurch. Wala na rin akong ibang hihilingin pa. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Kahit na anong mangyari, ikaw lang. Wala ng iba. I love you.”

Napangiti na lang ako nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni Lurch nang magkaayos kami netong nakaraang araw. Araw-araw niyang ipinapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal. Sobrang saya ko dahil lahat ng masasakit na nakaraan naming ni Lurch, unti-unti nang mapapalitan ng mga masasayang alaala naming dalawa.

Nabalik ako sa realidad nang makarinig ako ng marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Kanina pa pala ako nakatulala dito sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko para sa gaganaping concert nina Lurch mamaya.

“Ma’am Zephrine, may bisita ka. Si Sir Jethro daw ho.” Sigaw ni Sheena. Linggo-linggo siyang pumupunta dito sa bahay para makapaglinis sa buong bahay.

“Sheena, pakisabi na lang na pababa na ako.” Sigaw ko rin. Ano naman kayang ginagawa niya dito? Hindi ba dapat nandun na siya kasama nina Lurch para makapag-rehearse?

 JETHRO’S POV:

Nag-uusap usap lang kami nina Pierre at Ross nang bigla na lang akong tawagin ni Lurch at nakiusap na sunduin ko si Zephrine dahil may dapat daw silang pag-usapan ni Savanna. Talaga bang mas uunahin niya si Savanna kesa kay Zephrine? Labo ng lalaking to! Kala ko ba si Zephrine? Tss!

Kung hindi ko lang talaga kaibigan tong si Lurch, nabigwasan ko na to. Akin na lang si Zephrine, kung ganito lang din pala kaso hindi eh, bro code. Kaya hanggang tingin na lang ako. 

Tumango na lang ako sa kanya dahil wala naman kwentang kausap sina Pierre at Ross. Puro kalandian lang ang pinag-uusapan. Tsaka maaga pa naman, magkakaroon pa ako ng chance na makasama si Zephrine. Kung ano man ang iniisip niyo, hindi kayo nagkakamali. Oo! Gusto ko si Zephrine. Matagal na pero mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin nina Lurch at Zephrine. Ayoko namang masira ang matagal na naming pinagsamahan para lang sa lintik na pag-ibig. 

Iniwan ko na sila dun at nag-drive na papunta kina Zephrine. Pagkahinto ng sasakyan ko sa tapat ng bahay niya, bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Ewan ko? Kaba nga ba o sadyang natutuwa lang tong puso ko dahil kahit saglit makakasama ko siya? Abnormal ko na naman.

Pinatuloy ako ng kasambahay niya at sinabing pababa na si Zephrine kaya naupo na muna ako habang naghihintay. Naglaro na lang muna ako sa phone ko hanggang sa makita ko na siyang pababa ng hagdan. Shit kang puso ka, huminahon ka. Ang ganda talaga ni Zephrine.

“Hi!” Bati ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now