Chapter 23

5.9K 98 2
                                    

LURCH'S POV:

Dali-dali kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay na nilipatan nina Zephrine. Kailangan ako ng mag-ina ko. Hinding-hindi ko talaga mapapatawag ang sarili ko oras na may mangyaring masama sa kanilang dalawa at hinding-hindi ako magdadalawang isip na patayin yung lalaking iyon.

Napahampas ako ng malakas sa manibela dahil sa traffic. Tangina naman! Bakit naman ngayon pa kung kailan nagmamadali na ako? Lintik na buhay to!

Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan ko habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan sa harap. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga narinig ko kanina na mga iyak at sigaw ng mag-ina ko.

Nangangati na ang mga kamao ko na patayin yung Mathew na yun!

Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko nang unti-unting mawala ang traffic. Kailangan ko nang makarating kaagad dun.

Laking pasasalamat ko na lang nang makarating ako sa bahay nila. Agad akong bumaba ng sasakyan at dali-daling pumasok sa loob.

"AYESHA!!!"

"NASAAN NA KAYO?"

 Sunud-sunod ang ginawa kong pagsigaw nang makapasok ako sa loob pero ni isa wala akong natanggap na sagot. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong bahay, walang katao-tao.

Zephrine, nasaan na ba kayo?

Hinanap ko sila sa buong bahay pero kahit anino nila wala akong makita. Saan sila dinala ng lalaking yun?! Isipin ko pa lang na nailayo na sila ng Matthew na yun, para na akong masisiraan ng ulo!

Sa sobrang galit at pag-aalala, naibato ko na lang lahat ng gamit na makita ko sa loob ng bahay nila. Wala akong pakialam kung mga mamahalin lahat ng nasira ko, kailangan kong mahanap sina Zephrine at Ayesha. 

Hindi ako titigil sa paghahanap. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng lalaking yun ang mga ginawa niya sa mag-ina ko. 

ZEPHRINE'S POV:

Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko habang naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi at ginawa ni Matthew sa akin. Kahit na ilang beses kong sabihin sa sarili ko na nasa impluwensya siya ng alak, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya sa amin yun.

Napailing-iling ako at umiyak ng umiyak. 

Ikinulong kami ni Matthew dito sa isang madilim na kwarto at saka siya umalis. Hindi ko alam kung papaano pa kami makakatakas dalawa ng anak ko dito. 

Yung mga bagay na ikinatatakot kong maranasan ng anak ko, nangyayari na ngayon pero hindi sa kamay ng tunay niyang ama kundi sa kamay ng kinikilala niyang ama.

Puro pasakit na lang ba ang mararanasan ko?

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now