Chapter 25

6.1K 92 6
                                    

ALEXA'S POV:

Ilang araw nang nandito tong mag-inang hampaslupang to sa condo ko. At seriously, konting-konti na lang talaga ang pasensya ko. Bwisit na bwisit na ako lalo na tuwing gabi dahil walang tigil sa pag-iyak ang lecheng anak niya.

One time, naiwan kaming dalawa ng anak niya dito sa unit dahil nagpresenta si Zephrine na siya ang mamimili ng pagkain namin. Umiiyak siya sa isang tabi habang nanunuod ako ng tv.

“D-daddy, I-I miss you…” Bulong niya habang umiiyak. Napatingin na lang ako sa kanya at kinalabit siya.

“You miss your Daddy Matthew? Gusto mo ipasundo ko na kayo dito?” Tanong ko habang nakataas ang isang kilay at nakangisi sa kanya. Mabilis siyang umiling-iling sa akin at tumulo na naman ang mga luha niya.

“N-no! I don’t like him. I-I miss m-my Daddy L-lurch.” Parang napaso ang tenga ko sa narinig. Daddy? Really, huh? Hinawakan ako ang pisngi niya ng isang kamay ko at iniharap siya sa akin.

“Listen, kid! He’s not your dad. He don’t even know you.”

“No! He loves me.”

“Really? Sa tingin mo kung mahal ka niya, mapapadpad kayo ng leche mong ina dito sa puder ko?! You’re wrong, kid.” Napahagulgol na lang siya sa pinagsasasabi ko. Great! Lalo akong naiirita sa pag-iyak niya. “Stop crying! For pete’s sake. Kanina pa ako nabubwisit sa pag-iyak iyak mong yan. Dun ka na nga lang sa kusina. Maghugas ka ng pinagkainan ko dun!”

"B-but hindi po ako m-maru----"

“No buts, kid! Hugasan mo. Dali! Lumayas ka sa harapan ko. Ayokong naririnig yang paghagulgol mo.” Binitiwan ko na ang pagkakahawak ko sa pisngi niya at itinulak siya paalis sa harapan ko. Lecheng bata! Inis kong ibinalik ang atensyon ko sa pinapanuod ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

“WHAT?!”

"Alexa, ano na? Nasaan na sila Zephrine?" Tss! Si Matthew lang pala. Palagi na lang niya akong ginugulo tungkol sa mag-inang to. Kinukulit niya ako na ipakita na sa kanya yung dalawa. Nakakainis na. Ano ba kasing pinakain ng babaeng yun dito sa pinsan ko at patay na patay sa kanya?

"Chill ka nga lang. Sabi ko naman na ako mismo ang tatawag sayo di ba?"

"Gusto ko na silang makita----"

"Yeah, whatever. I'll call you na lang. Bye!" Pagbaba ko ng tawag at bigla naman akong nakarinig ng kung anong nabasag kaya padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa kusina.

Nakita ko si Ayesha na nakatayo sa gilid at umiiyak na naman. Sheez! Napahilot na lang ako sa sentido ko at hinila siya sa braso pabalik sa sala.

"T-tita A-alexa, s-sorry----"

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now