Chapter 19

7K 117 7
                                    

LURCH'S POV:

Madaling araw na at himbing na himbing sa pagtulog si Alexa na nakaunan ang ulo sa dibdib ko samantalang ako, hanggang ngayon hindi pa rin makatulog. Patuloy na naglalaro sa isipan ko ang mga nangyari kanina sa party ng pinuntahan naming. Hindi ko makalimutan ang maamong mukha ni Ayesha, ang boses niya, ang pagtawa niya at ang pag-iyak niya. Isa pang iniisip ko ay ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya kanina.

Napakapamilyar.

Malakas talaga ang kutob kong siya yun. Si Zephrine ang nagmamay-ari ng boses na yun. Boses na hinding-hindi ko magagawang pagsawaang pakinggan. Boses ng babaeng mahal na mahal ko hanggang ngayon.

Kung siya nga talaga ang babaeng may-ari ng boses na yun, hindi ako pwedeng magkamaling si Ayesha ang anak ko, naming ni Zephrine.

Bigla na lang sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang maisip kong anak ko si Ayesha. Kaya naman pala, kakaiba ang naramdaman ko nang makita ko siya kanina. Napakagaan ng loob ko sa kanya na para bang ang tagal-tagal ko na siyang kilala. Siya pala ang anak kong nahiwalay sa akin ng mahabang panahon.

Lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwalang kahit sa maikling panahon, nakasama ko na pala ang anak ko nang hindi ko namamalayan. Nasasabik tuloy akong makita at makasama ulit siya.

Naramdaman kong gumalaw si Alexa sa tabi ko at lalong humigpit ang yakap sa akin. Sinilip ko siya at nakita kong mataman niya akong tinititigan. 

“L-lurch, bakit gising ka pa? M-may problema ba?” Tanong niya sa akin pero umiling lang ako at ngimiti sa kanya. Alam kong marami na siyang ginawa para sa akin at wala akong ibang ginawa kundi ang bigyan siya ng sama ng loob kaya ayoko nang dagdagan pa yun.

 Kahit papaano’y napalapit na rin sa akin si Alexa dahil siya lang ang kaisa-isang nanatili sa tabi ko kahit na ilang beses ko na siyang pinagtabuyan. Siya lang naging kaibigan ko simula nang nilayuan ko ang mga kaibigan ko dahil sa mga kagaguhang nagawa ko noon.

Dahil kay Alexa, natutunan kong bumangon ulit sa pagkakalugmok. Simula nang iniwan ako ni Zephrine, nawalan na ako ng ganang bumangon. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa buhay ko dahil iniwan na ako ng babaeng pinakamamahal ko. Ilang beses ko na pinilit ang sarili kong mahalin si Alexa pero hindi ko magawa dahil si Zephrine lang talaga. Sana lang ay makahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya dahil hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.

 Umayos na lang ako ng higa sa tabi niya at nginitian ulit siya.

Kahit papaano’y nagkapuwang din naman siya sa puso ko pero hinding-hindi niya magagawang palitan si Zephrine. Nasa kanya na ang puso at buong pagkatao ko. Kahit anong gawin ko, nakatatak na siya sa buong sistema ko.

Ngumiti din sa akin si Alexa at mabilis akong hinalikan sa labi. Niyakap niya ako kaya’t niyakap ko na lang din siya pabalik.

Magkikita ulit tayo, Zephrine. 

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now