CHAPTER 1 - HARTZ ACADEMY

233K 7.9K 718
                                    

CHAPTER 1 - HARTZ ACADEMY

1week later

Nasa bahay ako ngayon, and as what Dex said tanggal na ako sa gang.

Hindi na nagparamdam si Dex, normal iyon pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi man lang ako kinamusta ni Leira. 

There's something wrong, dahil kaya sa pangunguna ko sa desisyon niya ang dahilan kaya niya ako tinanggal? O may iba pa? Tss.. Hindi ko na rin kailangan pang isipin tutal wala na rin naman ako sa grupo.

Pumunta ako sa rooftop at humiga sa duyan na naroon, tiningnan kong mabuti ang mga bituin, nakakaakit silang tingnan, ang sarap sa pakiramdam na napagmamasdan ko sila ng malawak. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid, napakasarap ng simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. 

Muli akong nagmulat at halos mapatalon pa ako ng bumungad sa akin ang mukha ni lolo.

"Lo naman, feel na feel ko na ang moment ko rito eh"

"Aba, baka nakakalimutan mo apo hindi mo pa naibabalik ang chopper ko" 

Napakunot noo ako at saka dali daling umayos ng upo.

"PO?"

"Hindi ba't nakihiram ka pa nga ng cellphone para ipadala ang chopper?"  tinanong ko sa kaniya kung saan niya iyon ipinadala at kapareho iyon kung nasaan ang chopper na pinagbabaril ko kanina. 

"Na'san po ang number?"  pinakita niya ang text at naroon din ang password na sinasabi namin upang makumpirmang kami nga ang nagtetext. 

 Mabilis na pumasok sa aking isipan si Leira, naalala ko ang pangyayari noong isang linggo, madaling araw nun and tulog pa kaming lahat pero in an unknown reason biglang na lang akong nagising at nagulat nang makitang hawak ni Leira ang cellphone ko kaya agad akong nagtago sa likuran ng pintuan papuntang CR.

Malamang ay set up ang nangyari, kinuha niya ang password na sinasabi ko sa mga text messages ko kay lolo upang maniwala si lolo sa kaniya. 

At natanggal ako sa grupo dahil malamang ay sinabi niya kay Dex na ako ang nagbabalak na magpatakas sa mga kalaban namin. 

"Wait Lo, saglit lang po"

Tinawagan ko si leira pero hindi niya ito sinasagot, she's always been active when I call her at walang times na pumalya iyon. Mukhang lalo niya lang pinatunayan na pinlano niya nga ang lahat.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may makita akong message rito. 

'Sorry'

'not sorry'

What a b*tch!

Bumalik ako sa tabi ni lolo at napabuntong hininga.

"Mukhang malalim ang iniisip mo at mukhang mapapatagal ang pagbalik mo sa chopper ko" napakagat labi ako. Patay... sumabog na 'yon malamang. 

Pinilit ko ang sarili ko na umiyak at saka nilingon si Lolo. 

"Patawarin niyo ako Lolo, wala na ang chopper"  ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napalitan na ng seryoso. 

Patay napakadalang ko lang makita si Lolo na magalit kaya agad akong kinabahan at namawis.

"Lo, patawad po"  tumayo na ako tumungo ako sa harap niya, habang kagat kagat pa rin ang ibabang parte ng labi ko.

"May kapalit  ''to Zapira" galit nga talaga siya dahil hindi na apo ang tawag niya sa 'kin. 

Atsaka na siya umalis sa harapan ko. 

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now