CHAPTER 2 - Promissory

172K 7.3K 231
                                    

Chapter 2 - Promissory

*Blag*

Medyo na interrupt ang tulog ko dahil sa malakas na pagbukas ng pintuan na iyon pero ayaw magpatalo ng antok ko kaya tuloy pa rin ang pagtulog ko.

"Zhen, may transferee daw tayo, ayun siya oh nasa dulo "  malakas na sabi ng isa sa mga kaklase ko sa taong wagas kung makapagbukas ng pintuan.

Nararamdan ko na ulit na hinihila na ako ng antok pero agad 'yon nawala nang may mapangahas na sumipa sa upuan ko na muntik ko ng ikatumba.  

"aray-"

Lintek!

Mabilis ko syang hinarap at binigyan ng matalim na tingin pero agad ko 'yon winaglit dahil nakapangako na ako kay Lolo.

"Anong problema?" kalmado kong sabi.

"Yang paa mo, ialis mo yan sa upuan ko"  tumango ako at agad inalis ang paa

Napakamot ako ng ulo 'kasalanan ko pala'. Pero hindi pa rin tama na basta niya lang sipain yung upuan ko!

Umupo na ako ng maayos at inunat ang leeg ko.

"Ialis mo rin ang sarili mo sa tabi ko" 

Kung tutuusin hindi ako sumusunod sa utos ng ibang mga tao, swerte pa siya dahil sinunod ko siya kanina.

Hindi na ako nagsalita at naglabas na lang ng notebook at kunyaring nagsusulat, lumapit siya sa tabi ko at tumayo sa harapan ng desk ko. Napatiim bagang ako ng bigla niyang hablutin ang notebook na kasalukuyan kong pinagsusulat at tinapon iyon sa kung saan. 

HInilot ko ang panga ko at tumayo para kunin ang notebook na hinagis niya. Never pa kong tinrato ng gan'to kaya bago ang lahat ng nararamdaman ko.

Muli akong naupo sa upuan ko at hindi pa rin siya pinapansin pero tuluyan na 'kong hindi nakapagpigil nang ihagis niya ang bag ko sa kung saan.

Stop Zap! Hindi ka papatol okay? ''Wag mo siyang pansinin

Nagsitilian ang mga babae dahil sa gulat ng sipain ng lalakeng 'to ang desk ko na nagpataob rito. Nanatili akong walang kibo pero unti unti ng nagdidilim ang mga mata ko. 

Tumayo ako at malakas na inihagis sa harap niya ang upuan, nagsitilian muli ang mga babae at ang lalaking nasa harap ko ay tila nagulat din sa inakto ko pero mabilis niyang binago ang kaniyang ekspresyon at matalim na tumitig sa'kin.

 "F*ck the promise" kinwelyuhan ko siya at isinandal sa pader, may mga gustong umawat pero may pumipigil rin sa kanila.

Hinanda ko ang kamao ko sa sandaling nasilayan ko ang kaniyang pagngisi.

"Oh mukhang siya pa yata ang magiging kaunaunahang transferee na mapapakick out sa first day niya"

"Pare ang astig niya"

"Aawatin ko na sila! Kung ayaw niyo ako na lang"

"Awatin niyo yang mang aawat pare sayang yung show"

Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid

"Luckily, this is your first and last day here" sambit nito na mukhang nag aasar. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ko ng ipinatama ang kamao ko. Ramdam ko na nanigas ang lalake sa kinatatayuan niya, expected niya siguro na tatama sa kaniya ang kamao ko pero sa pader ko ito itinama.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata at ganun rin ang ginawa niya.

"Sa susunod alamin mo kung hanggang saan ka lang, kung pagmamay-ari mo ang upuan mo, PWES. AKO. HINDI." atsaka ko na binitawan ang kwelyo niya at saka inayos ang desk at chair ko. Sakto namang dumating ang teacher pagtapos ng gulo. 

Pinakilala niya muna ako sa harap sandali bago siya nag umpisa mag klase.


Dahil sa nakakaboring na lesson ng teacher ay bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Napatingin ako sa gawi ng lalake kanina at mukhang maging siya ay inaantok. Nahuli niya ako na nakatingin sa kaniya kaya agad siyang tumayo at lumabas ng room na tila nawalan ng gana.

Tss... Bakit ba ganun ang lalaking 'yon? 


Matapos ang klase ay tumambay muna ako sa bench sa tabi ng fountain para iliwaliw ang sarili ko,  ayoko pang umuwi, hindi gugustuhin ni lolo na marinig ang magiging balita ng School na 'to sa kaniya.

Nalaman kong anak pala si Zhen ng may ari ng eskwelahan kaya ganon na lamang siya umasta. Masyadong niyang inaabuso ang kapangyarihan, hindi siya pumasok para matutong kumutya ng ibang tao hayss, bakit ba kung makapag isip ako parang ang sipag sipag ko sa pag aaral. Eh isa rin naman akong pilyo.

Tinitigan ko ang magandang view ng eskwelahang ito, nakakadag dag sa pagmomoment ko ang kulay kahel na langit. Napakaganda ng paligid, napakaluntian ng mga damio, masisigla ang mga puno at tila kumakaway ang mga bulaklak na sumasabay sa hangin.

Sayang lamang at huling araw ko na rito.

*Kriing kriing* 

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makitang tumatawag si Lolo. Sh*t! Kung kailan naman nag momoment pa 'ko oh.

:[Hello? Lo, patawad po]  

:[Anong ibig mong sabihin apo? Makikick out ka na naman ba? Mukhang kailangan mo ng ihanda ang pera para sa chopper]

:[Si lolo naman parag hindi tayo magkadugo ah para ipabayad sa akin 'yon]

:[Hindi mo dapat ginagamit nag kapangyarihan para sa sarili mong kagustuhan apo]

-_- 

Bakit feeling ko bumalik sa 'kin yung sinasabi ko kanina ?

:[Wala naman po akong sinasabi na makikick out ako ah]

:[Dapat lang Apo, sige na gabi na at umuwi ka na]

:[Opo]

atsaka niya na in-end ang call.

Kailangan kong hanapin si Zhen, hindi ako pwede makick out! 

Sa kakamadali ko ay nakabungguan ko ang isang babaeng nakapigtail, nagsorry kaagad ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Saan ko ba hahagilapin ang lalaking iyon?

Napatigil ako sa pagtakbo ng tawagin ako ng isang guro, Teka siya yung guro namin kanina sa unang subject na adviser namin. Lumapit ako sa kaniya at bumati. 

"Mukhang maswerte ka" nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Po?" 

" Nabalitaan ko na ang nangyari sa classroom natin kanina at nakakapagtakang hindi ka niya kaagad pinaexpel, ilang minuto lang ang lumilipas ay pinapaexpel niya ka agad ang sinumang sumasagot sa kaniya pero sa nangyari kanina ay dapat segundo lang ang lilipas pero mukhang nagbago ata ang ihip ng hangin" 

Tumawa muna siya bago nagpaalam na aalis.

"Mauna na ko iha mag iingat ka pauwi" 

"Salamat po" nasagot ko na lang 

Lutang akong naglakad papalabas ng Academy. Sa salita ng lalaking 'yon kanina ay desidido siyang iexpel ako, ano naman kaya ang dahilan niya at kinain niya ang sariling salita?


Mr. Bully meets Ms. GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora