CHAPTER 4 - His Background

156K 5.9K 296
                                    

CHAPTER 4 - His Background

"Bullsh*t!"

Napapikit ako ng mariin sa galit, nangangati na ang kamao ko na patamaan siya ng solid na suntok pero mukhang injured pa 'to sa nangyari kahapon, natuklap ang balat kaya humahapdi. Mas maigi ngang sa pader ko na lang 'yon pinatama

Hinayaan ko na lamang na basa ang aking likod at pinigilan ang sarili bago dumiretso sa isang mesa.

"Kyaaaaaah!! Ang galing *clap clap* " kinunutan ko ng noo ang ang babaeng nakapigtail na siyang bumili ng makakain.

"Ah... salamat pala dito sa pagkain" sagot ko saka inayang umupo ang babaeng nakabraid

"S-salamat sa'yo"  ngumiti ako nang magsalita siya.

"Walang anuman" tugon ko atsaka kumuha ng kutsara upang magsimula ng kumain

Ngunit di pa man iyon nakakarating sa bibig ko ay bigla na lamang itong nahagis sa kung saan. At dahil iyon sa pagkakatabig ng lalaking katalo ko kanina.

"*sigh* Kung magpapansin ka 'wag dito" kalmado kong salita. Kumukulo na ang tiyan ko kaya 'wag niya na sana pang pakuluin ang dugo ko.

" Kung ayaw mong ang babaeng 'yan ang bullyhin ko pwes ikaw na lang " sabi ni kumag at saka tinabig ang lahat ng mga pagkaing nasa harap namin kasama ang mga tropa niya

" Ano bang napapala mo sa pambubully? Tingin mo kinagagwapo mo 'yan? Tingin mo astig ka kapag nakakapanakit ka ng ibang tao? Tingin mo kinatataas mo ang pamamaliit mo sa sa kanila?" Tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit sa pinagkukunan ng mga kutsara.

"Ang lakas ng loob mong sagot sagutin ako. Bakit? kaya mo bang pantayan ang yaman namin?  Dapat mong matutunan kung saan ka dapat lumugar. Transferee ka kaya wala kang alam! Binabalaan kita mali ka ng kinakalaban mo" pagkasabi niya nun ay sinipa niya ang mesang nasa likuran ko na mabilis ko ring napigilan gamit ang paa ko.

Binato ko sa harap niya ang kutsarang kinuha ko at niyupi.

"Lahat rito ay kayang gawin yan "  natatawa tawang niyang sabi, akala niya siguro ay hinahamon ko siya na gawin rin 'yon

" Pero hindi lahat ng narito ay katulad niyang kutsarang yupi, gaya mo pinanganak na silverspoon pero baluktot ang ugali" sagot ko at saka malakas na sinipa pabalik ang mesa. Nakita ko ang pamimilipit niya sa sakit. Serves you right jerk!

Hinila ko na ang mga babaeng kasama ko palayo roon. 

Mayabang, Pikunin, Walang Modo, mainitin ang ulo , urggh lahat na ng nakakainis na ugali nasa kanya!!

Nakarating kami sa Garden dahil sa kakalakad at nang makakita kami ng swing ay doon kami naupo para makapagpahinga.

Isang nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa amin.

" Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa'yo, ako si Kathleen Wyatt, Kat for short, one of you're classmates " pagbasag nya sa katahimikan.

Classmate? Classmate ko pala sya. Mukhang di ko yata sya napansin.

"Zapira ang pangalan ko, Zap for short, wala namang espesyal sa'kin just a simple ga-" sh*t I almost say gangster.

"ga? " naguguluhan nyang tanong.

ga..

patay!

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now